Thinking Pinoy: 2 Friends on LP, Roxas, Napoles, and Freedom of Information

January 1, 2016

2 Friends on LP, Roxas, Napoles, and Freedom of Information

Ito ay isang usapan namin ng kumare kong si JC tungkol sa 90's love team ni Claudine Barretto at Rico Yan na somehow ay humantong sa mainit na diskusyon tungkol sa magiging kapalaran ng Freedom of Information kung mananalo si Mar Roxas.



TP: Nabasa ko balita  kahapon naalala ko ang una kong pag-ibig.

JC: Ha? Sino?

TP: Siya, siya, SIYAAAA!


JC: Nge, ay oo.

TP: Nung namatay yan, kako bakit hindi na lang si *****? Panget naman yon.

JC: Bruha din si Claudine e.

TP: True. Nag-excursion na sa Raymart-land for so many years tas gagamitin pa ang nananahimik na Rico Yan para pang-career boost. Di na lang hayaang manahimik ung kaluluwa ng pogi.

JC: Tapos drama drama siyang name-miss niya. Sarap sabunutan.

TP: True. Remember this?




JC: I love “Got to Believe”, ‘yun ang last movie nila di ba? Showing pa ang GtB non nung dead ang Rico di ba?

TP: Ay oo, nanonood kami ng mga pinsan ko ng bootleg na Got to Believe noon tapos habang kissing scene nila ni Claudine, nakakuha kami ng text na dead na si Rico Yan. Shocked kami.

JC: Pero mas type ko si Diether dati.

TP: Medyo too dorky sa akin si Diether dorky na presko na di ko ma-spelling.

JC: Patay.

TP: AYY OO NGA. Jusko Misis JC.

JC: May fetish nga yata ako sa mga dorky.

TP: I KNOW. Pero ang taka lang ako e hindi pa maka-get over si Claudine sa fact na wala na talaga siyang career. Parang, uy teh, ilang taon na, ifo-force mo pa ba na i-revive? After mong magself-mutilation at pag flying kick mo kay Tulfo sa airport, gusto mo pa talaga umariba?




JC: Hahaha! True. Sayang career ni Claudine. Sinubaybayan ko yung soap niyang triplets siya. Rosario Rosenda Rosemary.
TP: Ako kasi, “Mula sa Puso” ang nasubaybayan ko non, dahil Ch. 2 at Ch. 7 lang ang malinaw na channel sa Bulacan. E di ba noong panahon ata na yon, yung shitty na reruns ng Villa Quintana lang ang nasa Ch. 7? Diyus ko ang mga kabaduyan ko dati di ko kinakaya.

JC: Ay oo. Pinanuod ko rin Mula sa Puso but not religiously at first.

TP: Ako kasi, sinubaybayan ko non komo nga wala naman ibang libangan dahil di pa uso internet, which is kinda disturbing, dahil noong ang source ko lang ng info ay big media, sobrang clueless ko lagi sa pangyayari. Totoo lang e sa UP Debate Society lang ako namulat sa mga international issues and kemberloo. Kaya nung una kong narinig sa UP Debate Society ung issue sa WTO ng agricultural subsidies within G-8, talagang ako deep inside e, "Ha? Ano raw?"

JC: True. Although aware na ko sa ibang issues kasi sa Saudi ako nag high school, I didn't feel like may value yung mga nalalaman ko kasi puro showbiz ang concerns ng mag tao.

TP: AMEN. Di ba nga noon, may chismis pa na pinukpok ng payong sa mall si Princess Punzalan? Ang sama daw kasi niya kay Claudine sa Mula sa Puso. Kako lang, hala katanga ng mga tao.

JC: Oo nga. Inaaway daw siya ng mga tao sa mall. LOL

TP: Pero isipin mo noong panahon na yon, kasagsagan ng 1995 PEA Amari scandal, ang grandmother of all scams. Yan ang unang kumalat na Napoles-level scam.

JC: Di ko alam yan dati.

TP: Well, sobrang tangential lang ng treatment nyan dati sa mga news shows kaya namatay lang rin ang issue. Besides, 9 years old lang ako non. Pero kung may internet lang non, e di nakalkal yan to the bones.

JC: By the way, I heard that the Zamboanga Siege was funded by Napoles to distract the country.

JC: It worked though.

TP: Oo. Parang. Medyo tahimik na ang Napoles issue today.

JC: Tsk tsk. Ang Pinoy amnesia nga naman.

TP: Pero did you know how Napoles was "arrested"?

JC: No. How?

Janet Napoles and Malacanang

TP: According sa isang report, nandoon si Napoles sa puntod ng nanay niya sa Heritage Park. Sinundo siya doon ni Lacierda tapos dinala sa Malacanang, tapos nagusap sila ni Pnoy. The next day saka lang siya na-turn over to NBI or Police.
Present during the meeting were
  • Aquino
  • PNP Chief Alan Purisima
  • Executive Sec. Paquito Ochoa
  • Cabinet Sec. Rene Almendras
  • DILG Sec. Mar Roxas
  • PCG Sec. Ramon Carandang
  • Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte
  • PCG USec. Manolo Quezon
 
Secr. Almendras with Janet Lim-Napoles, husband Jimmy and lawyer Atty. Lorna Kapunan at the President’s Hall Receiving Area of the MalacaƱang Palace. (Photo by: Rodolfo Manabat / MalacaƱang Photo Bureau / PCOO).

JC: Huwaw.
TP: Ang catch, may dealings daw si Budget Sec Abad and TESDA chief Villanueva kay Napoles before. Tapos ang COA, ‘di ba naglabas ng report ng dealings ni Napoles from ‘07 to ’09? Nag-attempt ang COA na i-audit din ang pork disbursements ng Budget Dept, pero ayaw ng Malacanang. And allegedly, campaign contributor ni PNoy si Napoles.

JC: Yikes.

TP: Anyway, eto pa ang mga suspicious stuff…
  1. Dinismiss na ni De Lima ang serious illegal detention claim ni Benhur Luy against Napoles, pero nung week na tinadtad ng Inquirer ang Napoles issue,nag-announce si De Lima na may probable cause na daw.
  2. Allegedly, close si Paquito Ochoa at Napoles. While Ochoa denied the allegations, Malacanang fired one of Ochoa’s aides who has confirmed connections with Napoles.
  3. Nung sinundo si Napoles sa Heritage Park, diretso si Napoles to Malacanang to meet Pnoy. Pnoy has never bared the nitty-gritty details of that meeting.

Ang catch kasi, illegal detention lang ang unang kaso ni Napoles non, at ang bail doon ay less than 100 000 lang.

Interestingly, ini-upgrade eventually to serious illegal detention ang kaso, samantalang isa sa mga requirements ng serious illegal detention ay “if the person kidnapped or detained shall be a minor, female or a public officer.” Hindi naman minor, babae, o public officer si Benhur Luy, noh.

JC: So it could all be a conspiracy between Napoles and PNoy?

TP: Pwede. Maraming circumstantial evidence. But then, I have to admit na circumstantial pa rin.

JC: But they make for a good conspiracy theory nonetheless

TP: Yeah. Anyhow, we all know for a fact that Roxas is the Little President since 2010. He was even there during the Napoles-Aquino meeting.

JC: Ay naguguluhan na ako.

Mar as PNoy's "Little President" 

TP: Baket.

JC: So Mar is behind it din? Waaaa sabaw

TP: Bakla, Mar is our little president. Ito naman o, di ba nga't naging Presidente lang si Noynoy dahil umusog si Mar, pero ang may ari ng LP ay si Mar at ang mga Araneta-Roxas. Sa palagay mo ba teh, pagkaupo ni Noy, si Noy lahat ang desisyon non, sa kanya lang?

JC: I honestly cannot say. Di ba medyo stretch na yang conspiracy theory mo?

Mar Roxas, Freedom of Information, Right of Reply

TP: Well, hindi naman conspiracy theory ito e. Simple lang ang tanong e. Mahalaga sa akin at para sa lahat ng Pilipino ang Freedom of Information. Kung may Napoles-related issue daw ang maraming LP candidates, including some of those in the Palace today, pero paano ipapasa ni Mar ang FOI kung sasagasaan niya ang mga miyembro ng LP?


Tapos, kung siryoso sila na ipasa ang FOI, dapat they should lead by example. E pano yon, mismong liderato today, nagcoconceal mismo ng information (e.g. real details ng meeting ni Pnoy ay Napoles, budget deparment docs na hinihingi ng COA).
JC: I do not know the answer to that.
TP: Kaya siguro hindi na ipinaglaban ng Malacanang ang FOI matapos isingit ang right of reply provision noong 2012 ni Nueva Ecija Congressman Antonino.
DEFINITION:
A right of reply provision that states that any person involved in an issue relating to the obtained documents must be given the chance to explain or account for the issue in the media.

JC: Anong right of reply?

TP: Kunwari si Cong. X nilaglag ng isang document sourced via FOI. If GMA7 spends 1 minute to castigate Cong X, Cong X will be entitled to 1 minute  of GMA7 airtime din to defend himself.

JC: Ok.

TP: Ngayon, kunwari ang problema dito e kamuka nung kay Napoles. lumabas kunwari ang logbook ang isang document sourced via FOI na naglalaglag sa 500 na public officials (congressman, senator, mayor, governor, etc), tapos tinalakay ito ni Jessica Soho sa  isang 60 minute show kunwari. Yung 60-minute show na anti sa 500 officials, dapat tapatan ng 60 minutes per accused official. That is, 60 minutes X 500 officials = 30,000 minutes or 20.8 days. Tapos, assuming na per hour, 12 minutes ang commercials , that’s 26 days on GMA7  na puro reply lang. Kumusta naman ang AlDub?

So basically, reasonable in theory ang right of reply pero hindi pwedeng mangyari ito in real life.

Tapos taka ako, bakit di pinaglaban ni Roxas (siya ang commentator lagi sa FOI issues). Sabi lang lagi ni Roxas e kesyo daw ayaw mag budge ng House of Reps. Tapos ang tono e iritated pa sa kulit ng media. Hala kako, bakit sobrang walang enthusiasm. The least he could do was suggest to PNoy na icertify ang FOI as urgent, para kung matalo man sa botohan, alam nating botante kung sino ang sisihin. But he didn’t. Ipinipilit kaya ng LP ang unrealistic na provision para masigurong di papasa ang FOI and avoid making thesmelves look bad in the process?

JC: Dude you need to calm down.

TP: Bakla, umo-overdrive uli ang utak ko.

JC: Kaya nga e. You're hyped up again by the possible implications of details based on an incomplete picture.

TP: Ang bottomline e ito… Baks, sa eleksyon, it's not about proving something beyond reasonable doubt. Eka nga ni Miriam, we just need a preponderance of evidence.

JC: Probable din naman nga yan.

TP: Offtopic intermission lang, ateh

Ang anak ni Will Smith na parang anak ni Ben Carson


JC: Buset na Jaden Smith yan. Karate kid tapos kung fu naman.

TP: Haha. medyo may pagka-Ben Carson nga yang si Jaden Smith. Parehong baliw e.

***END OF INTERMISSION***

Beyond Reasonable Doubt?

JC: I know, but forming conclusions still based on hearsay is not exactly responsible
TP: Bakla, news article ‘yan, hindi naman ‘yan hearsay. Kulang na lang e i-require mo ko na notarized lagi ang sources.
JC: Sorry. Habit lang yung source verification.

TP: Tama lang rin, kaya tadtad lagi ng hyperlinks ang mga article ko e para alam ng mga
reader na hindi kathang-isip lang.

JC: Mar says there are 'legitimate issues' keeping FOI from being passed. Even as he and President Aquino are both in favor of greater transparency, Mar Roxas cites certain 'legitimate issues' standing in the way of enacting the Freedom of Information bill into law.

TP: O regarding sa PDAF case ng Malacanang:
Sen. Nancy Binay yesterday reiterated her call for the Commission on Audit (COA) to immediately release the full audit reports of several controversial government funds linked to questionable transactions under the present administration.”

In fairness, useful ang  VP puppet na si Nancy Binay for me right now. Kahit walang utak may silbi naman pala minsan.

Sabi pa ni Senator Alan Cayetano noong 2014:
“Why isn’t government telling all? It holds all the documents, Special Allotment Release Orders (SAROs), request of senators and congressmen, and audit reports. [The] Government should be proactive, and not reactive to just what the people want.”
JC: Sabi ni former DILG Sec. Mar Roxas
"Governance is not simply, 'Let's do one thing or another.' We're trying to do all these things at the same time, some more successfully than others."
Makes sense to me.

TP: Yes, under regular circumstances, may point si Mar. However, FOI is a cornerstone of a real democracy. What he's saying is that FOI should be set aside because their political machinery cannot handle it. in short, they do not have sufficient competence to force FOI’s passage.

JC: Oy, that's your interpretation of what he said. Ayaw mo lang tanggapin reason niya ah.

TP: Roxas said, "We're trying to do all these things at the same time, some more successfully than others." Hindi ba't ang siste nyan e "We can't do everything, such as this one." Bakla, you're giving them too much benefit of the doubt.

JC: Hindi naman. I want FOI to become a law as well. Eh ikaw naman minamasama mo lahat eh.

TP: Bakla, an LP guy (PNoy) was given six years to pass FOI, he failed. Here comes another LP guy (Roxas) who wants another six, without telling us how he would do it differently. I don’t want to spend a lifetime waiting for that FOI shit.

JC: Not necessarily naman.

TP: I think we can simplify teh the discussion:
  • The most pressing issues are FOI and Anti-Dynasty.
  • We are just 4 months away from the elections.
  • The best that Mar said is "Of course, I am for FOI" but he has not made any indication of how he will get it passed.
  • He has been dreaming of Malacanang since 1998.

So it's pretty clear that FOI will be another broken promise under a Roxas Presidency. Etong si Duterte, nagbiro na he will ask congress – at gunpoint – to cooperate. That's far more realistic than "Of course I am for FOI". It’s a shitty plan, but at least Duterte has a plan.

JC: By shutting down congress as he asserted before? Or was he joking again?

TP: Yes, by threatening to shut down congress. Ah, he probably wasn't joking doon sa thing na yon.

JC: Ugh. You're kinda simplifying it on your own terms again, slanted to prove that Mar has no intention of passing it into law, which is not really his call at the moment. All we have are his assessments. You’re giving him the burden of proving his worth based on whether or not these bills are passed.

TP:  Shouldn't I give him the burden of proof e siya ang presidential wannabe, and his campaign is anchored on his so-called “track record”?

JC: He is not in congress or the senate. And what is the basis of these conclusions?

TP: Yes, he's not a legislator under the PNoy admin, but Congress is LP. Mar is LP’s real head. The majority of congress is controlled by LP. Why so toothless? Besides, from "his extensive legislative track record" wouldn't it be reasonable to expect that he knows how to manipulate Congress?

JC: Honestly, we've had to argue based on premises that you have concluded as irrefutable. Yet, if I prove that he can sway congress, the immediate attack would be his presidency would be rendered unopposed.

TP: Okay, teh, how can he sway congress? And if he can, how can he have the political will to actually do it?

JC: Too many burdens ateh.

TP: Ganun talaga teh, marami burdens. Ate naman, ‘pag walang burden of proof kay Mar to prove that his track record is relevant, then the same goes with other candidates. Kung ganoon lang rin, mag lottery na lang tayo sa elections.

JC: I'm not saying that he can sway congress conclusively. But how can the other candidates do the same?

TP: "But how can the other candidates do the same?" - Right now, Duterte with AFP backing to scare congress and make them work, or to make them attend sessions, at the least. Duterte's campaign is anchored on an anti-establishment platform, which many find palatable due to their hopelessness at our weak government.

JC:  Jusko, I am not even trying to speak for the Roxas. You see the predicament here? I can only argue based on my limited knowledge of Mar, but in your case, it's practically Duterte spokespersonship... May ganun bang word?

TP: Wala, pero assume muna natin na merong word na “spokespersonship”. Charot!

JC: LOL. Gaga.

TP: This is not personal but let me ask you this… If you have limited knowledge of Mar, why have you decided to vote for him in May 2016? Where is all this faith on Mar Roxas – despite all his deafening silence – coming from?

JC: My faith is based on the accomplishments that I have mentioned yesterday. All of which you summarily rebutted and concluded as nil.

TP: Baks, honest question, alin doon sa mga rebuttals ko ang invalid? Alin doon ang logically inconsistent because I sincerely can’t find any.

JC: Although I don't know Mar Roxas as a person, he has tangible accomplishments that I have experienced or seen myself: BPO, Cheaper Medicines, Oplan Lambat Sibat, LGU improvement. I know you have debunked these claims. But Duterte hasn't really done much for me and my family. So there.

TP: I understand. But given that you have probably read my rebuttals, contented ka na ba sa "Pwede na ang pwede na"?

TP: BRB lang mabilis teh, mag naginfect sa TP ng malicious software linisin ko lang saglit. Hinahack ako sa TP. Kaasar. But on the other hand, I HAVE ARRIVED, charot. Hahahaha!

JC: LOL. TTYL.