March 15, 2016

Grace Poe DQ: 5 Interesting Things to Know


Gusto ko sanang magbigay ako ng mahabang komentaryo sa ruling sa disqualification case ni Grace Poe, pero naisip kong may ibang mga taong mas kwalipikado kaysa sa akin sa larangang iyon, kaya’t hayaan na lang nating sila ang gumawa no’n.

Sa halip, ililista ko ang ilang mga rebelasyon hindi lang sa mga opinions ng mga justices kundi pati na rin ang mga circumstances na nakapaligid sa kaso.

Tara’t iisa-isahin ko.


1. Lumabas lang daw ang motherly instincts ni Sereno.



May mga reader ako sa Thinking Pinoy na nagsabi na lumabas lang daw ang pusong ina ni Chief Justice Sereno kaya intindihin na lang natin. Kaya lang, trabaho ba ng isang Chief Justice ang pagiging ina? Kako, kung gusto niya non, sa DSWD siya magpunta, hindi sa Supreme Court.

Chief Justice Lourdes Sereno


Ang issue ng pagiging masyadong emosyonal ni CJ Sereno ay nabanggit na noon pa mang CJ nominee pa lang ito. Sa article ko kahapon na “Carpio-Sereno rift casts doubt on CJ’s Mental Health”, ang mga psychologists mismo ng Judicial and Bar Council ang nagsabing moody si Sereno. Binigyan din nila ng score na 4 si Sereno sa scale na 1 to 5, with 1 being the highest and 5 being “psychotic”.

Sa kabila nito, inappoint pa rin siyang CJ ni PNoy. Hayan, ‘yan ang napala natin.



2: Direktor ng San Miguel Corporation ang abogado ni Poe.


Ang chief legal counsel ni Grace Poe sa kasong ito ay si Atty. Alexander Poblador [PhilStar]. Si Poblador ay Direktor ng San Miguel Corporation mula September 1 2009 [SMC], samantalang si Eduardo ”Danding” Cojuangco naman ang Chairman at CEO nito mula July 1998 [SMC].

Atty. Alexander Poblador


Nabalita nang sinusuportahan si Grace Poe ng Nationalist People’s Coalition, na pinamumunuan ni Danding [Businessworld]. Obviously, kaakibat ng suportang ito ang campaign financing. Pero tila hindi lang campaign financing ang tulong ni Danding kundi legal support na rin?

Mukhang malaki talaga ang utang na loob ni Poe kay Danding.

Sinabi na ni Poe na hindi raw niya papaboran si Danding kung sakaling manalo siya. Natandaan ko tuloy noong pinatamaan ni Poe si Binay.

“Kulang ako sa karanansan…sa pagnanakaw at pangungurakot,” ani Poe [Rappler].

Pero ni minsan ay hindi pa nito pinatatamaan si Danding, samantalang di hamak na mas kurakot si Danding kaysa kay Pareng Jojo.

Wala pa raw siyang karanasan sa pagnanakaw at pangungurakot, pero hindi man lang ba sumagi sa isip niya na baka nakaw at kinurakot ang pinambabayad ng TV ads niya?

Wala pa raw siyang karanasan sa pagnanakaw at pangungurakot, pero ngayon, mukhang mayroon na.

3: Fraudulent ang Dual Citizenship application ni Grace Poe


Mula kay Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro:

“Petitioner Poe obtained dual citizenship under Republic Act No. 9225 by misrepresenting to the Bureau of Immigration that she is the biological child of a Filipino father and Filipino mother...”

Matatandaang binitawan ni Poe ang kanyang Filipino citizenship noong October 2001 para maging Amerikano, kaya’t kinailangan niyang mag-apply uli for Filipino citizenship noong July 2006 gamit ang RA 9225 (Dual Citizenship Law). [Rappler]

Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro


Kaya lang, ayon sa mga testimonya, nag-apply si Poe gamit ang fraudulent na mga credentials. Sa kanyang application, sinabi ni Poe na siya ay biological child ni FPJ at Susan Roces. Alam na nating lahat na hindi ito totoo dahil isa siyang foundling na nakita sa Jaro, Iloilo.

Ayon kay Justice de Castro:
“Poe's application for dual citizenship was not valid...Poe knowingly committed a false representation when she declared under oath... that she is the biological child of [FPJ] and [Susan Roces]... concealing the fact that she was a foundling who was subsequently adopted by the said spouses.”

Sinabi ni Justice de Castro na invalid ang reacquisition ng citizenship ni Poe dahil nagsinungaling ito nang sabihin nitong biological na anak siya ni FPJ at Susan kahit alam niyang siya ay ampon.

4: Naka-Balikbayan Visa lang si Poe hanggang July 2006.


Bumalik si Poe sa Pilipinas gamit ang Balikbayan Visa, isang temporary non-immigrant visa. Nanatili siya rito hanggang 2006 gamit ang nasabing dokumento [Inquirer].

Sample Balikbayan Visa Stamp

Kung isa siyang non-resident alien hanggang July 2006, hindi ba’t ibig sabihin no’n ay less than 10 years ang kanyang residency? After all, July 2006 hanggang May 2016 ay 9 years at 10 months lang?

Partida, inassume pa natin dito na valid ang kanyang reacquisition ng citizenship, kahit hindi.

5: Hindi 9-6 ang botohan


Mula kay Associate Justice Antonio Carpio:

“What is clear and undeniable is that there is no majority of this Court that holds that [Poe] is a natural-born Filipino citizen.”

Sa issue ng citizenship ni Poe, ang botohan ay 7 concurrences, 5 dissensions, at 3 abstentions. Ang ibig sabihin nito, 7 ang nagsabing Natural-born si Poe, 5 ang humindi, at 3 ang hindi nag-cast ng boto (nag-abstain).

Associate Justice Antonio Carpio


Linawin muna natin: ang pinagdedesisyunan sa kaso ay...

“Dapat bang baligtarin ang desisyon ng COMELEC na i-disqualify si Poe?”

Para mabaligtad ang COMELEC, kailangan ng majority. Para magka-majority, kailangan ng at least 8 “YES” votes. Kung 7 lang, hindi ba’t ibig sabihin nito ay walang epekto ang desisyon ng SC sa desisyon ng COMELEC?

Ngayon, kung hindi pala sapat ang botohan para i-overturn ang COMELEC...

Wow, so disqualified pa rin pala si Poe?

Kasalukuyan pang pinagtatalunan ang issue na ito, via ex-Senator Francisco “Kit” Tatad.

Abangan ang susunod na kabanata. [ThinkingPinoy]

__________
Did you like this post? Help ThinkingPinoy stay up! Even as little as 50 pesos will be a great help!