October 2, 2019

I SAW "SPEAKER NA TAPAT" CAYETANO'S 2020 HOUSE BUDGET. HMM, MAY TERM SHARING PA BA?


Sabi ni Speaker Alan Peter Cayetano sa profile pic niya noong Marso, siya ay magiging isang "Speaker na Tapat".

Well, tingnan nga natin ang proposed 2020 budget niya.

Note: Sinulat ko 'to in conversational Taglish para mas madaling ma-gets ng mas nakararami.


Recall na noong 20 September 2019, sinabi ni House Committee on Accounts chairman and Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa GMA News na:
“We did not expect that there will be additional Deputy Speaker; we did not expect that there will be additional vice chairpersons on [House Committees] on Appropriations and Ways and Means; we did not expect either that there will be newly created committees… We are talking about all the employees, over 4,000, including those who are in a contractual status, permanents and other employees.”
Bilang reaksiyon, tinanong ko sa isang social media post kung ano ba yang extra P1.6 billion na House budget.

Sabi ko, aanhin pa ni Speaker Cayetano ng dagdag na pondo kung kinaya naman ng Alvarez-Arroyo House na suportahan ang LAHAT ng mga priority bills ni PRRD with a much lower budget?

As shown in a 03 June 2019 infographic posted in Thinking Pinoy, the House of Representatives under GMA (and predecessor Alvarez) passed ALL of PRRD's 28 priority bills... and they had only a P11-B budget in 2018.

Okey na sana yung 14 deputy speakers tulad noong huling kongreso kahit mahal, kako ipikit-mata ko na lang bilang isang Political Realist. 

Pero bakit dadagdagan pa ang gastusin ng bayan via more 8 additional deputy speakers ngayong House na 'to e pwede naman ilagay na lang ang pondo sa mga priority projects ni PRRD?

Health, education, social services, infra, disaster relief... ang daming pwedeng paglagyan ng pera pero bakit sa walang bagong deputy speaker ibibigay?

Yun ang problema ko.

Cayetano reacts

Nag-react si Speaker Cayetano via personal attacks, na kesyo fake news lang raw yung banat ng “a certain blogger” at may “axe to grind” o sama ng loob lang yon sa kanya.

Dahil diumano’y may sama ng loob sa kanya ‘yung blogger na ‘yon e wala na dapat tanong-tanong sa P1.6 billion, GANERN?

Maraming puwedeng mabili ang P1.6 billion: Gamot, classroom, sweldo ng nars at teacher, ang haba-haba ng listahan. Ang dami-daming priority project ni Pangulo ang kulang ng pondo kaya hindi biro ang P1.6 billion.

Pero in fairness, medyo nahimasmasan si Speaker Cayetano sa ibang mga interview.

Doon sa isa, sinabi niyang ang “big chunk” ng P1.6 billion e pupunta sa “various projects”, pero di niya sinabi kung magkano ang “big chunk” at kung ano mismo yung “various projects”. 



Doon naman sa isa pa, sinabi niyang gagamitin raw ang P1.6 billion para sa “research”, adding, “what’s one-billion that will be added to Congress to make sure that the P4.1-trillion is spent very well?”

Pero talaga, P1.6 billion para sa research? Ang total budget nga ng PAGASA, for 2019 e P1.6 billion lang, tapos tila may budget cut pa sa 2020 kasi 1.4 billion lang ang proposed. Tapos ang research budget ng House, P1.6 billion? 

P1.4 billion lang ang proposed total budget ng PAGASA for 2020.
So mas mahalaga na magpondo ng additional deputy speakers kaysa taasan ang sweldo ng mga meteorologist natin sa PAGASA na isa-isa nang lumalayas sa bansa dahil sa baba ng suweldo?                                                                                                                   
Tulad nang paliwanag sa huling Thinking Pinoy article, karapatan ng bawat taxpayer na manghingi ng accountability mula sa mga public servant, at kasama na roon ang kasapi ng House of Representatives.

Pero dahil ayaw nilang sumagot ng diretso sa request for an itemization, nagkusa na akong humanap ng paraan para mas malaman ang puno’t dulo ng issue.

Walang itemization? Walang itemization!

As explained in a previous Thinking Pinoy article, ang hinihingi ko e mas malinaw na itemization ng kung saan gagastusin ang dagdag na P1.6 billion, at so far e “maliit lang naman” ang description na kayang ibigay ni Speaker Cayetano tungkol sa kung magkano ang pupunta sa mga bagong imbento niyang walong deputy speakerships.

Kung sinagot lang niya ako ng diretso e di ok na, tapos na ang drama, pero hindi e. Simple lang naman na i-scan niya yung itemization at i-post online pero hindi magawa?

So sige, i-try nating hanapin ang itemization na yan. Pero heto muna ang basics.

Ang 2020 National Budget ay informal term para sa 2020 General Appropriations Act, na dahil hindi pa naisasabatas e tinatawag pang “General Appropriations Bill (GAB)”, filed as House Bill 4228.

Ipinasa ng House ang final nilang version ng GAB noon 20 September 2019 at dadalhin ito sa Senado para busisiin naman ng mga senador. Kasama sa GAB ang budget ng lahat ng government agencies pero karaniwang hindi pinakikialaman ng Senado ang proposed budget ng House bilang “parliamentary courtesy”.

In short, yung final proposed House Budget na nakapaloob sa GAB ang pinakamalamang na maging House Budget for 2020, aside from the fact na iyon mismo ang nais na budget ng House.

Ilang araw nang offline ang website ng House (congress.gov.ph) kaya hindi ko ma-download ang GAB, at coincidentally(?) e parang nag-offline siya simula nang pumutok ang butsi ng Speaker. Nag-up siya kani-kanina lang, pero hindi pa rin ma-download yung text ng HB 4228.

So bilang workaround, humingi ako ng hard copy mula sa mga little birds ko sa HoR. Napakahigpit raw ng pag-release ng kopya pero buti naman at naparaanan nila, at eto yong dokumentong pinakahanap-hanap ko, ang final version ng House Bill 4228, ang General Appropriations Bill for 2020.

Kalkalan na, mga friendships!

The Proposed House Budget for 2020

Makikita ang 2020 House Budget sa Volume I-A pages 9 to 11, na filed under “I. Congress of the Philippines; D. House of Representatives”.

Medyo simple lang para makita kung nasaan ang P1.6 billion: ikumpara ang mga line item amounts sa 2020 House Budget doon sa same na line item amount noong 2019 na budget.

Narito ang scan ng proposed 2020 House Budget na nakapaloob sa National Budget:


Para naman sa previous budgets, click here for the 2019 House Budget at click here for the 2018 House Budget.

Para mas madaling makita, gumawa ako ng side-by-side comparison ng mga line item amounts, at sa dulo e kinompyut ko ang difference. Kinulayan ko na rin ng red kung bumaba ang amount, green naman kung tumaas, at orange kung walang nagbago.

Unahin natin ang overview:


Makikita ritong tataas ng P1.32 billion ang total 2020 House budget kumpara sa 2019.

Malinaw na rito na may paglaki nga ng budget, pero bakit hindi P1.6 billion tulad nang sinabi ni Cong. Tolentino?

Tingnan pa natin ng mas maigi.

Three Basic Categories ng Line Items

May tatlong basic categories ng mga line items sa budget: [1] “Personnel Services”, [2] “Capital Outlays” at [3] Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).

  • Pag sinabing “Personnel Services”, we mean yung mga pasweldo sa empleyado, allowances, bonuses, at pati na rin yung mga pambayad sa SSS, Pag-ibig, PhilHealth, etc.
  • Pag sinabi namang “Capital Outlay”, we mean yung pambili ng mga fixed assets tulad ng opisina, upuan, pang-construction, at iba pang property ng House.
  • Pag sinabi namang “MOOE”, e halo-halo na ‘yon. Lahat ng hindi kasama sa unang dalawang basic categories, shinu-shoot dito sa MOOE.

Tingnan ang susunod na table (note that figures in the succeeding tables are in ‘000s, so i-multiply niyo by 1000 lahat, e.g. 92,976 means 92,976,000):



As you can see, BUMABA ng P173.2 million ang personnel services o yung total na pondong pang-employee benefits. Note na WALANG capital outlay for 2020, so walang pondong panggawa o pangkumpuni ng bagong opisina o pambili ng bagong equipment.

Pero kung sabi ni Speaker Cayetano sa Rappler, the extra P1.6 billion will fund salary increases for House workers, bakit yung line item ng pasweldo para sa plantilla e bumaba tapos hindi naman nagbago ang total allotment for contractuals?

Parang may mali? I know, so tingnan natin ng mas mabuti.

Inamin mismo ni Speaker Cayetano sa Rappler na may pondo para sa mga bagong posisyon at ayon naman kay Rep. Tolentino e hindi biro ang halaga na gugugulin para pondohan ang mga bagong posisyong ito. Di ba nga’t sabi mismo ng the House Accounts Committeee chair in the same GMA News interview:
“There are a lot of increase(s) in the expenses for 2020 for equipment, new offices for additional deputy speakers, and a lot of expenses really.”
So kung may increase, nasaan? Yan ang tanong ngayon.

What are “Savings”?

May isang Special Provisions clause doon sa GAB Vol I-A page 13 that partly reads:
“Augmentation of any item in the appropriations of the Congress of the Philippines. xxx [T]he Speaker, with respect to the House of Representatives, are hereby authorized to augment any item… for their respective offices from any savings in other items…”


Tataglishin ko:
“Pagdaragdag sa kahit anong item sa budget ng Congress. xxx Ang Speaker, with respect sa House, ay maaaring magdagdag sa kahit anong item para sa kanilang ahensiya mula sa mga savings sa ibang items...”
Pag may walong bagong deputy speaker, may karagdagang staff rin ang mga ‘yon, di ba? Papayag ba ang isang karaniwang congressman na magsisante ng sariling tauhan para magkaroon ng financial space for the additional staffing needs ng mga bagong deputy speaker?

Kung popondohan ni Speaker ang mga bagong posisyon pero nagbawas pa siya ng pondo for personnel services and capital outlay, so tama bang sabihin na magre-realign ng budget?

There you go.

Saan kukuha ng “savings”?

Both yung 2019 National Budget (na batas na) at 2020 National Budget (na proposal pa) ay may clause regarding “Availability of Appropriations and Cash Allocations”, which reads:
“Availability of Appropriations and Cash Allocations. Unexpended quarterly and year-end balances of approved appropriations for xxx House of Representatives xxx shall remain valid appropriations and shall continue to be available until fully spend and shall remain under their control and accountability...”

I-taglish ko:
“Ang mga hindi nagastos na quarterly at year-end balance ng mga inaprubahang gastusin para sa House ay mananatiling valid at available hanggang maubos at mananatiling nasa kanilang control at pananagutan…”
Malaking issue yung sinasabing “absorptive capacity” ng isang agency dahil karaniwang mababalewala ang budget allocation nito na hindi magagamit within the fiscal year.
Halimbawa, kung may 100 pesos ang DPWH pero 80 pesos lang ang nagastos sa buong taon, balewala na ang natitirang 20 pesos at kailangan na nitong maghintay for the next national budget.
Hindi ganoon sa House.

Yung mga hindi nagastos sa House Budget from the previous year, nake-carry over to the current year. Ibig sabihin, kung may nilaan P1 billion for a certain project na hindi na itinuloy, puwedeng gastusin pa rin ang P1 billion na iyon bilang “savings” sa susunod na taon o hanggang maubos ito.

Okey lang sana kung lehitimong hindi natuloy ang proyekto pero hindi laging ganon e.

Parang DAP ni PNoy?

Tingnan niyo yung unconstitutional na Disbursement Acceleration Program (DAP) nina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating DBM Sec. Butch Abad.

Ang ginawa nila e tahasang HINDI GINAGASTOS ang budget at dinedeclare na savings para mai-realign nila kung saan nila gusto. Yung Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF), hindi nila ginamit nina PNoy para sa benepisyo ng mga gov’t employees at sa halip e ni-realign ang MPBF para pambili ng Dengvaxia.

Remember what Senator Richard Gordon said in 2017 about Dengvaxia ?


In short, ang "DAP technique" e yung mangangako ka na gagamitin ang pondo para sa isang bagay, pero sa huli e gagastusin mo pala para sa iba.

Parang yung binigyan ka ng nanay mo ng baon para pambili ng lunch sa eskwela, pero di mo ginastos, tinawag mong savings, at pinanlaro mo sa ng DotA sa kompyuteran. Ganern na ganern.

Dineklara ng Supreme court na unconstitutional na ang DAP technique pero mukhang naiwasan ng Kongreso ang pagbabawal na ito dahil sa “Availability of Appropriations and Cash Allocations” clause ng National Budget, na parang ginagawang exempted sa SC DAP ruling ang Kongreso.

In short, kung may hindi nagastos (or sadyang hindi ginastos) na 2019 House budget, puwede pang gastusin ito ng House sa 2020, on top of the 2020 House Budget.

Medyo tumaas nga ang kilay ko diyan kasi ilang buwan nang hindi sumusuweldo ang maraming contractuals sa House at nagkasibakan na ng mga maintenance staff, tapos binawasan pa ang pasweldo House budget for 2020?
Kasama kaya ang 2019 pasweldo ng mga ito sa gagawing “savings” ng House na maaaring irealign?
With that said, may dalawa lang akong nakikitang puwedeng pagkuhanan ng “Savings” para pondohan ang mga karagdagang deputy speaker:

  • Allocations from 2019 House Budget na hindi nagamit, hindi ginamit, o planong hindi gamitin sa 2019, at,
  • Realignment ng items mula sa proposed 2020 budget.

Kung may pang ibang pagkukunan, please enlighten me, pero after several hours ng paghahanap ng paraan, iyang dalawa lang na ‘yan ang malinaw kong nakikitang source.

Here’s where it gets more interesting.

Deciphering the Accounts Chair

Yung savings from unspent items in 2019? Any self-respecting finance professional should have at least a ballpark idea kung magkano aabutin niyan dahil nakalantad na ang 2019 House Budget.

Dapat, alam na yan nina Speaker, di ba?

For one, may confidential-intelligence funds worth P1.07 billion si Speaker Cayetano under the 2019 House budget, or P392 million more than Speaker Arroyo’s 2018 intel funds worth P 615 million.
Malaking halaga ang diprensiya ng confidential funds nila pero Arroyo was able to survive with just P615 million, so assuming na the "Speaker na Tapat" Cayetano can, like Arroyo, get things done using the same amount, e di may P392 million na pwedeng laru-laruin si Speaker Cayetano, tama ba?
If the Cayetano-led House has a rough idea of how much savings will exist by end of 2019, and despite that knowledge e sinabi pa rin ng House Accounts na kulang ang pera kasi hindi expected ang deputy speakerships, so saan kukuha ng karagdagan?

E di sa 2020 budget, tama ba?

Pero... Pero... Pero...

Pero di ba nga’t ayon sa proposed 2020 House Budget, bumagsak ang pasweldo sa House plantilla and contractuals, at wala ring allocated for capital outlay, so saan balak kunin ng House leadership ang pampondo doon sa mga bagong deputy speaker, bagong vice-chairmanships, at bagong kumite?

Isa lang ang nakikita ko: MOOE.

Shown below ang breakdown ng Maintenance and Other Operating expenses (MOOE) under “New Appropriations by Object of Expenditures“:


Makikitang 17 out of the 19 line items sa MOOE e kapareho lang noong isang taon: walang dagdag, walang bawas... pero makikita ring may dalawang lumaki:

  • "Utility expenses” increased by P13 million (P254.6-M vs P245.5-M)
  • "Professional Services" increased by P1.64 billion (P4.13-B vs 2.49-B).

Mapapatawad na siguro yung increase sa utility expenses (bills for Meralco, Manila Water, etc.) dahil ayoko naman mapulutan ng kuryente ang batasan, pero kagulat-gulat na P1.64 billion ang increase para sa “Professional Services”.
Katunog ba siya noong P1.6 billion na binanggit sa balita?
Pwede bang i-lump sum na lang ang P1.64 billion nang ganun-ganun na lang? Kwestiyonable na nga ang P2.49 billion na lump sum for "Professional Services" sa 2019 pero talagang kailangan pang sagarin by adding P1.64 billion more (P4.13 billion na ang total) for 2020?

Kung oo, bakit hindi itemized ang mga gastusin at sa halip e lump sum lang? Kung itemized kasi yan, mas malinaw sa taumbayan at sa iba pang mga congressman kung ano ang maaasahang pondo.

Pero kung ganyang lump sum na ire-realign lang, malinaw sa GAB na largely e nasa kamay ng House Speaker ang desisyon kung paano ito gagastusin, tama ba?

The Dangers of Lump Sums

Ilatag ko muna ang analysis diyan at feel free to correct me if I’m wrong:

FIRST, ayon mismo sa House Accounts chair, maraming dagdag-gastos dahil sa pag-create ng walong bagong deputy speakerships, bagong commitees, at bagong vice-chairmanships, at hindi nila raw ito expected.

SECOND, may estimate naman ng magiging savings from 2019 at make-carry over ang savings sa 2020, pero sa kabila nito e nagpasya pa rin ang House na magdagdag ng P1.6 billion.

THIRD, sa kabila ng karagdagang gastos e nagbawas pa ang House ng budget para sa pasweldo ng tao at pambili ng equipment, so logic dictates na kailangan ng realignment ng funds from MOOE to personnel services and/or capital outlay.

Given these, heto ang critical na tanong:
Bakit hindi na lang inallocate agad under "Personnel Services" o "Capital Outlay" ang dagdag na pondo at sa halip e ginawang lump sum under “MOOE - Professional Services”?
Kung inallocate agad, e di alam na natin kung paano magagastos.

Pero hindi, ginawang lump sum e... lump sum na ang suma total e P4.13 billion na kung gusto ng speaker e pwedeng gamitin for something else na huhulaan na lang natin kung ano, tama ba?

Kahit nga si DepEd Sec. Briones, noong nagsusulat siya tungkol sa lump sums sa Aquino-era budget, na:
“All of us know that in the human physical system, presence of lumps is a danger signal.”
Let me rephrase the question.
If the "Speaker na Tapat" Cayetano intends to spend the P1.6 billion for research, new positions, new offices, and oversight, then why didn’t he split the P1.6 billion into four line items? Is it fair to ask why such a gigantic amount appears to be at the mercy of the House Speaker?

Just how much money is in Cayetano’s hands?

Judging from his many media interviews so far,  sobrang evasive ni Cayetano pag tinatanong about the budget, kaya wala tayong choice kundi tumingin na lang sa dokumento at mag-deduce mula sa mga iyon.
Hindi naman ako perfectionist. Okey na sa akin yung palusutin ang kaunting "leakages" pero wag naman sanang itodo nang bonggang-bongga dahil nakakahiya naman sa taumbayan dahil my gahd I heyt drahgs!
Going back to topic, tulad ng 2020 proposed House Budget ay may identical na DAP-like clauses ang 2018 at 2019 House Budget, i.e.  pwedeng may 2018 funds na carried over to 2019 at 2019 to 2020. Pero partidahan na natin ang 2019 House at sabihing zero savings from last year, i.e. sinimot ni Gloria ang 2018 House Budget.Actually, mukhang nasimot nga talaga ni Speaker Arroyo ang funds nila noong 2018, as suggested by screenshot ng Notes to Financial Statements sa 2018 CoA Report on the House:


So sige, sabihin na lang natin na walang na-carry over na funds from 2018.

Sa kabila ng assumption na ito, tumaas pa rin ang kilay ko nang makita ang 2019 House Budget dahil may P1.07 billion na confidential funds pala ang House Speaker for 2019.
Confidential funds yung pondong halos walang accounting, i.e. pork barrel ng Speaker, di ba?
Partida, hindi pa kasama diyan ang mga pwedeng i-realign ng Speaker from the 2019 House Budget basta at kung gugustuhin niya.

2019 GAA shows Speaker Cayetano got P1.07 billion in confidential funds, or about Php 392 million more than the P615 million his predecessor had in 2018.
Ganito kasi yan. Hindi naman kasalanan ni Cayetano na P1.07 billion ang confidential funds niya for 2019 dahil hindi naman siya kasama sa mga nagpasa niyan. In short, congratulations para kay Speaker Cayetano dahil nachambahan niya ang ganyang ka-bonggang 2019 slush fund.

Pero ngayong House "Speaker na Tapat" na siya, bakit siya humihingi ng P1.07 billion ulit for 2020, tulad ng natanggap niya ngayong 2019?

Yun pa nga lang P1.07 billion na pwedeng laruin ni Speaker Cayetano for 2019, nakapagtataka na kasi P615 million lang ang allocated sa previous na speaker. Pero imbes na babaan ni "Speaker na Tapat" Cayetano ang confidential funds niya for 2020, inulit lang niya ang P1.07 billion?

House Speaker Gloria Arroyo, who Cayetano accused as corrupt, had only P615 million in confidential funds for 2018.
Aanhin kaya ni Speaker Cayetano ang ganoong kalaking pera samantalang si Gloria, na pinaratangang kurakot ni Cayetano, e nakatiis sa P615 billion lang?
Mas marami pang magagastos na public funds si "Speaker na Tapat" Cayetano kaysa sa tinawag niyang kurakot?
Pero hindi pa nakuntento sa P1.07 billion kaya dinagdagan pa ng P1.64 billion na lump sum, ganon ba?

Kung may extra P1.64 billion na lump sum sa loob ng “Professional Services” ang 2020 House Budget, at idagdag pa natin ang reinstated na P1.07 billion na confidential funds ng House Speaker, e di may hindi bababa sa 1.07 + 1.6 = 2.67 billion na pwedeng laruin ang House Speaker sa 2020 at bukod pa yan sa at least P1.07 billion na nilalaro na niya ngayong 2019, tama ba?

Tama bang sabihing si Speaker Cayetano ay may 1.07 + 1.07 + 1.64 = 3.78 billion na combined outright and de facto na slush funds?

Aanhin niya ang lahat ng public funds na yun ng isang "Speaker na Tapat"?
Hindi ba't pag "Speaker na Tapat" e mas matipid dapat?
If he's an honest Speaker, at kurakot sabi niya ang last speaker, di ba dapat e mas matipid siya?

E bakit balde-balde ang inilaki ang hawak ni Speaker Cayetano na Pera ng Bayan samantalang kinaya naman ng isang “kurakot” na suportahan ang pangulo sa hamak na mas mababang halaga?

May dagdag-bayad ba pag "Speaker na Tapat"?

Matutupad ba ang term-sharing deal?

Recall na mayroong  gentleman’s agreement between Cayetano and Rep. Velasco na term-sharing, kung saan "Speaker na Tapat" daw si Cayetano for the 1st 15 months tapos si Velasco sa remaining 21 months.

Pero kung bubusisiin ang budget ng Kongreso, parang may hindi nagtutugma.

Heto't pasadahan natin ng isang mabilis-bilis.

Despite increased costs arising from the new positions created under Cayetano (8 deputy speakerships, new committees, new vice-chairmanships), bumaba ang nakalaang pondo para sa pasweldo ng tauhan at pambili ng property and equipment, pero hindi naman siguro papayag ang mga kongresista sa budget cut, di ba?

That means Cayetano will fund these new positions via realignment, right?

At kung realignment technique na gagamitin, ibig non e dapat sumipsip ang karaniwang kongresista kay Cayetano para tuparin niya ang realignment, tama?
Alam niyo naman ang "Speaker na Tapat" na si Cayetano pag nagtampo, parang batang inagawan ng kendi, as illustrated by his juvenile response (Boo-hoo! “Axe to grind”!) sa questions about the extra P1.6 billion budget, di ba?
Kung blogger pa lang ba bumira sa kanya tapos e nagkaganyan nam paano pa kung kongresista na hawak ng "Speaker na Tapat" sa leeg?
Kung kongresista ka at hawak ng "Speaker na Tapat"  sa leeg ang budget ng opisina mo, paano gagawin mo pag matatapos na ang 15 months at magbobotohan na for a new speaker, maging ang new speaker man e si Lord Alan Velasco o si Martin Romualdez o kahit pa yung mga baliw-baliwang pulang party-list?
Matatapos ang 15 months ni Speaker Cayetano sa umpisa ng October 2020, which is the year kung saan gagamitin ang budget na kinekwestiyon natin ngayon.

Kung ako'y isang gahaman na speaker at meron akong bilyon-bilyon na pwedeng paglaruan, sisiguraduhin kong mabibili ko ang loyalty ng kahit kalahati man lang ng House para sigurado akong hindi ako matatanggal bilang Speaker.

Kung mayroon akong 2 billion, at kailangan kong manligaw ng 150 na kongresista, e di alam ko na ang gagawin. #AlamNaThis

Sa palagay ko, hindi naman baliw si Cayetano na mag-asam pa ng presidency sa 2022 kasi ngayon pa nga lang e “President of the House” pa lang e hirap na hirap na siya.

If I were in Caytano’s shoes, I’d be more interested in keeping the House Speakership, dahil far more realistic at immediate yon kaysa presidente ng Pilipinas.

Correct me if I'm wrong but with a possible P2.74 billion na slush fund (at idagdag pa P1.07 intel funds for 2019), he has around P3.81 billion (or even more) at his disposal from now until the time na kailangan nang mag-botohan ng bagong speaker, tama?

What will Cayetano do with those billions?

If Speaker Cayetano wants to keep true to his promise na he’ll be an honest speaker, then why didn’t he itemize the budget and instead allowed a lump sum na P1.64 billion to be added, a lump sum that he, if he so wishes, can be realigned to pretty much wherever he wants?

Kung may 1.07 billion times two ako na confidential funds, ano ba naman yung maglaan ako ng kapiraso noon para sa social media counter-attack?

Will Cayetano suddenly mature, stop being a crybaby like when he threatened Inday Sara na sisirain niya ang Duterte Coalition kung susuportahan ni Inday si Velasco, and allow the next speaker to take over?

Will Cayetano suddenly mature, stop being a crybaby like when he didn’t mind attacking a woman to further his political goals (as exposed by Pulong Duterte), and allow the next speaker to take over?

Will Cayetano be so honest that he will NEVER use his bilions in intel funds (P1.07 billion times 2) and other de facto slush funds just to stay as speaker?

We, as taxpayers, deserve an answer.

Pero siyempre, hindi magagawa ni Cayetano na manloko ng taumbayan kasi nga, di ba, "Speaker na Tapat" siya? [RJ Nieto | Thinking Pinoy]

#ToiletThoughts: "SPEAKER NA TAPAT" CAYETANO, HERE'S A DEAL

Ayon mismo sa Konstitusyon, "Public Service is a Public...

Posted by Thinking Pinoy on Wednesday, October 2, 2019


DON'T FORGET TO SHARE! 

Follow ThinkingPinoy on Facebook and Twitter!

RELATED POSTS: