Hindi ko akalaing tatalbugan pa ni Grace Poe si Mar Roxas sa patindihan ng crony. Sa ngayon, pinipilit ko na lang paniwalaang mangmang si Poe. Dahil kung tunay niyang naiintidihan ang lahat ng ito, kabahan na tayong lahat. Tara at ipapaliwanag ko.
Noong nagsulat ako ng article tungkol illegal miner na major campaign donor ni Mar Roxas at ng Liberal Party, akala ay iyon na ang huling magiging issue tungkol sa campaign donations bago mag-eleksyon. Sabi ko pa nga sa sarili ko, baka iyon na ang pinakamalaking isyu tungkol sa mga campaign donors bago mag-Mayo.
Mali ang akala ko. Maling-mali. Maling maling mali.
Dahil tinalbugan siya ni Poe.
Dahil napakahaba at napakasalimuot ng kuwento ng Coco Levy Fund Scam, isasalaysay ko lang ang mga kaganapang may direktang kinalaman sa issue ni Grace Poe.Nahahati ang aking kwento sa dalawang article:
- Sa Part 1, pag-uusapan natin kung ano ang Coco Levy Fund, paano ito ninakaw, at ang mga kaso sa korte tungkol dito. Ang Part One ay binabasa mo ngayon.
- Sa Part 2, pag-uusapan natin ang pangyayari matapos magdesisyon ang korte, ang mga hakbang na ginawa na ng gobyerno, ang mga pahayag ni Senadora Grace Poe, at kung ang analysis ng mga ito. Kung nais mo nang basahin ang Part Two, CLICK HERE.
Gusto mo ba munang alamin kung ano ang Coco Levy Funds Scam? Tara.
Ano ba ng Coco Levy Fund Scam?
Marami sa atin ang hindi na (o hindi pa) pamilyar sa Coco Levy Fund Scam. Kaya’t para sa readers ng Thinking Pinoy, hayaan niyo akong ipaliwanag kung ano ito, punto por punto, upang mas malinaw na maintindihan ng mga mambabasa.1: Philippine Coconut Industry sa 1970s
Noong 1970s, 25 porsyento ng agricultural export earnings ng Pilipinas ay mula sa kopra. Sa kabila nito, kabilang ang mga magniniyog sa mga pinakamahirap na magsasaka sa bansa.
Nagliliparan ang presyo ng mga fats and oils sa global market noong early 1970s at tinantsang magiging pambansang krisis ito sa mid- hanggang late 1970s.
Isa ito sa mga ginamit na dahilan ito para itatag ang Coco Levy Fund.
Sa kabila ng napakalaking kontribusyon nila sa 1970s na Philippine Economy, nananatili na isa sa mga pinakamahirap na grupo ng magsasaka ang mga magniniyog ng Pilipinas.
2: Pagtatatag ng Coco Levy Fund
Noong 1971, Ipinatupad ni Presidente Marcos ang RA 6260 o Coconut Investment Act, na siya namang nagtatatag ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF). Ang CIIF ay naglalayong paunlarin ang local coconut industry na bumubuo sa 25 percent ng agricultural export earnings Pilipinas noong panahong iyon. [Chan-Robles Law]Ang CIIF ay ginamit upang bilhin o buuin ang 14 na malaking coconut oil milling and trading companies (CIIF Mills). Ang mga kumpanyang ito ang buyer ng mga kopra ng mga maliliit na magsasaka.
Nag-issue pa si Marcos ng karagdagang mga “Funds” tulad ng CIIF. Ito ay ang Coconut Consumers Stabilization Fund Levy (CCSF) at ang the Coconut Development Project Fund (CDPF). Lahat ng mga funds na ito nilikom mula sa buwis sa kopra. [Inquirer]
Ang tatlong funds na ito ay tinatawag na “Coco Levy Funds”.
Nag-issue pa si Marcos ng karagdagang mga PD para halos pag-isahin ang purpose ng mga ito. By the late 1970s, ang purpose ng tatlong funds ay naging para sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog.
Pinangangasiwaan ng Philippine Coconut Authority (Philcoa) ang mga pondong ito. [PD 232 s. 1973]
Pero paano ba ang naging sistema ng koleksyon ng Coco Levy?
![]() |
Para sa mga taga UP Diliman tulad ko, hindi yan ang PHILCOA na sinasabi ko. Ang sinasabi ko ay iyong malaking building na malapit dyan. Tambayan yon ni Danding. |
3: Paano kinolekta ang Coco Levy
Ang coco levy noon ay parang “witholding tax on income” ngayon. Tuwing nagbebenta ng kopra ang magniniyog, agarang kinakaltas ang coco levy at inireremit sa pamahalaan.Halimbawa, nagbenta si Juan sa CIIF Mills ng 100kg na kopra sa halagang Php 10 kada kilo, na ang total na halaga ay Php 1000, sa panahong ang coco levy ay Php 100 per kilo. Bibigyan ng CIIF Mills si Juan ng Php 900, samantalang idedeposito naman ang natitirang Php 100 sa Coco Levy Funds na, sa teorya, ay hawak ng pamahalaan.
Nasa Php 0.55 lamang ang buwis kada 100 kilo ng kopra noong 1972, ngunit sa pamamagitan ng mga karagdagang Presidential Decrees tulad ng PD 276, tumaas nang tumaas ang buwis na ito hanggang umabot sa peak na Php 100 kada 100 kilo.
Sa ngayon, ang ganitong batas ay kailangan ng mandato ng RA mula sa kongreso. Pero noong panahon ng diktadurya ni Marcos sa ilalim ng martial law, magkatumbas lamang RA ang bigat ng PD. Di tulad ngayon, hindi maaaring i-TRO (temporay restraining order) ng Supreme Court ang mga PD noong Martial Law.
Halimbawa, natatandaan niyo ba ang Executive Order No. 2 ni PNoy na nagtatatag sa “Truth Commission”? Na-TRO ito ng korte suprema noong 2010, ngunit kung idineklara ito ni Marcos noong Martial Law, hindi ito pwedeng ma-TRO.
Sa unang tingin, tila napakasimple at napakadiretso sa punto ng Coco Levy Fund, pero dito nag-umpisa ang problema.
Pero siyempre, pwedeng abusuhin ang kahit ano, basta may sapat na kapangyarihan ang aabuso.
4: Coco Levy Fund Scam
Umabot ng nasa Php 9.7 billion ang halaga ng nakolektang Coco Levy Funds noon. Matapos ang ilang dekada ng patubo at pag-invest, tinatayang mula Php150 to 363 billion pesos na ang kabuuang halaga ngayon.Pero ito ang naging problema: saan ba ginamit ang mga pondong ito?
Tara't isa-isahin natin ang sequence ng mga pangyayari .
Step 1: Inutusan ni Marcos ang PHILCOA noong 1975 na gamitin ang Coco Levy Fund para bilhin ng buo ang First United Bank, na ngayon ay kilala natin bilang United Coconut Planters Bank o UCPB. Ang nag-facilitate ng transakyong ito ay si Eduardo “Danding” Cojuangco, na isang miyembro ng PHILCOA Board of Directors noong panahong iyon.
Step 2: Bilang “compensation” sa pag-facilitate ng acquisition, binigyan si Danding ng 7.22 porsyentong ownership ng UCPB.
Step 3: Ginamit ni Danding ang impluwensiya mula dito upang maging presidente at CEO ng naturang bangko.[Rappler]
Step 4: Gamit ang nakakadepositing Coco Levy Funds sa UCPB sa ilalim ng pamumuno ni Danding, binili ng UCPB ang 14 na mga CIIF Mills. Dahil rito, nagkaroon ng monopolyo si Danding Cojuangco sa industriya ng kopra sa buong bansa. Ibig sabihin nito ay kay Danding nabebenta ang LAHAT ng aning kopra sa buong Pilipinas. [Manila Times]
Step 5: PAng CIIF Mills ay may-ari ng 27 porsyento ng San Miguel Corporation. Dahil binili ng UCPB ang CIIF Mills, UCPB na rin ang may-ari ng mga San Miguel Shares na ito. Kung susumahin, dahil kontrolado ni Danding ang UCPB, kontrolado na rin niya ang 27 porsyento ng San Miguel.
Step 6: Ginamit ni Danding Cojuangco ang kanyang impluwensiya bilang President and CEO ng UCPB para umutang ng mahigit Php 2 billion. Oo, presidenteng ng bangko na umutang sa sarili niyang bangko. Ginamit ni Danding ang loan na ito para bumili pa ng karagdagang 20 porsyento ng SMC.
![]() |
Niyog ang pinambili ng dalawang iyan. |
Ngayon, mabalik tayo sa halimbawa ni Juan. Gamitan natin ng karagdagang detalye mula sa Steps 1 to 7:
Nagbenta si Juan sa CIIF Mills ng 100kg na kopra sa halagang Php 10 kada kilo, na ang total na halaga ay Php 1000, sa panahong ang coco levy ay Php 100 per kilo. Ang CIIF Mills ay kontrolado ni Danding.
Bibigyan ng CIIF Mills si Juan ng Php 900, samantalang idedeposito naman ang natitirang Php 100 sa Coco Levy Funds na, sa teorya, ay hawak ng pamahalaan. Idedeposito ang mga buwis sa UCPB, na kontrolado din ni Danding.
PHILCOA naman ang mangangasiwa ng Coco Levy Funds na ito, at kontrolado din ito ni Danding.Danding, Danding, Danding.
Oo, lahat ng lebel ng transaksyon ay monopolyado ni Danding.
Ang UCPB ay para sa ikakabubuti ng mga magniniyog, kaya bakit ito maglalabas ng malaking halaga para sa kapakanan ng iisang tao, si Danding Cojuangco?
Matapos ang lahat ng ito, 47 porsyento ng SMC ay nabili gamit ang pera mula sa Coco Levy: 27 mula sa shares na hawak ng CIIF Mills na binili ng UCPB, at 20 gamit ang inutang ni Danding.
![]() |
Malapit na akong mapainom sa hirap ng loob para sa bayan ko. |
Mula umpisa hanggang huli ay hindi napakinabangan ng mga magniniyog ang Coco Levy Funds.
Maliit na bahagi lamang ito ng mga kalokohan ni Danding Cojuangco na may kinalaman sa Coco Levy, pero ito ang bahaging relevant sa konteksto ng mga pahayag ni Grace Poe.
Hindi makasuhan si Danding noon dahil malapit siyang kaibigan ni Marcos. Nang mapatalsik si Marcos noong 1986, kasama pa ng Pamilya Marcos si Danding sa eroplanong pa-Hawaii para lumikas.
Pero matapos ang EDSA People Power Revolution inumpisahan nang litisin ang mga kaso laban kay Danding, at usad pagong ito hanggang ngayon.
Tulad ng kampanya ni Grace Poe, pinondohan din ni Danding ang kampanya ni dating Pangulong Erap Estrada. Ilang linggo matapos maluklok sa puwesto si Erap, nag-dramatic comeback-from-exile ang Danding at pinamunuan muli ang San Miguel Corporation.
![]() |
1986 EDSA People Power Revolution |
5: Coco Levy Case
Kinasuhan si Danding Cojuangco noong 1986 at si Atty. Estelito Mendoza ang chief niyang abogado. Ito rin ang Mendoza na abogado ni eex-Pres. Erap sa kanilang mga impeachment trial. [Philstar]Dalawang major na kaso ang pinag-uusapan natin dito:
- Ang 20 percent stake ng SMC na binili ni Danding gamit ang Coco Levy (Shares from Loan)
- Ang 27 percent stake sa SMC mula sa CIIF-UCPB (CIIF-SMC Shares)
![]() |
Estelito Mendoza, Abogado ni Danding |
5.1: Ang “20 Percent” Case (Shares via Loan)
Sinampa ang kaso noong mga 1986 para mabawi ang 20 percent ng SMC.Sabi ng gobyerno, inabuso ni Danding ang kanyang kapangyarihan para makautang sa UCPB ng Php 2 billion para pambili ng SMC shares. Sabi naman ng kampo Danding, kailangan ipakita ng gobyerno na public at hindi private funds ang coco levy. [Philstar]
Literal na 25 years later, sumang-ayon ang korte kay Danding at natalo ang gobyerno sa kaso. Napasakamay ni Danding ang kabuuan ng 20 percent niyang stake sa San Miguel.
Malinaw, ang Coco Levy Funds ay buwis mula sa mga dukhang magniniyog.
Paano ito magiging private fund?
Ganito ang hustisya sa Pilipinas.
![]() |
Natalo ang mga maralitang magniniyog. |
5.2 Ang “27 percent” Case (CIIF-SMC Shares)
Nagsampa rin ang kaso noong mga 1986 para mabawi ang 27 percent ng SMC na pag-aari ng CIIF Mills na binili naman ng UCPB.Noong 2012, or literal na 26 years later, nagpasya ang Mataas na Hukuman na pag-aari ng pamahalaan ang mga shares na ito. [Rappler]
Napakatagal rin ng inabot, ngunit tila maganda naman ang kinalabasan.
Pero hindi pa rin. Lumala pa ito.
Itutuloy sa Grace, Danding, at Coco Levy Part 2 of 2: Ang Pagtatakip ni Poe, click here.
(Thinking Pinoy)
__________
Did you like this post?
Help ThinkingPinoy.com stay up! Even as little as 50 pesos will be a great help!