March 11, 2016

Grace, Danding, at Coco Levy Part 2 of 2: Ang Pagtatakip ni Poe



Ito ang continuation ng Ang Buong Kuwento ni Grace, Danding, at Coco Levy [Part 1/2]. Matapos kong ipaliwanag kung paano binuo, dinaya, at ninakaw ang buwis ng mga magniniyog, ipapaliwanag ko naman kung paano ito minamanipula hanggang ngayon, at kung paano tahasang dinidipensahan ni Poe si Danding sa kabila ng lahat.

Nahahati ang aking kwento sa dalawang article:
  • Sa Part 2, pag-uusapan natin ang pangyayari matapos magdesisyon ang korte, ang mga hakbang na ginawa na ng gobyerno, ang mga pahayag ni Senadora Grace Poe, at kung ang analysis ng mga ito.
Ngayon natutunan mo na ang ung ano ang Coco Levy Fund, paano ito ninakaw, at ang mga kaso sa korte tungkol dito, pag-usapan na natin ang mga nangyari sa "recent history", kasama ang mga pinaggagawa at pinagsasabi ni Senadora Grace Poe.

Pnoy Administration

Natalo na ang gobyerno sa 20 percent na kumpol ng shares kaya halos walang habol na tayo doon. Pero sa puntong ito, malinaw na pamahalaan na ang may-ari ng 27 percent na CIIF-SMC Shares, o ang parte ng San Miguel Corporation na hawak mismo ng UCPB sa pamamagitan ng CIIF Mills.

Noong Marso 2015, nag-issue ng dalawang Executive Order (EO) si Pangulong Benigno Aquino (Pnoy) na patungkol sa 27 percent SMC shares na ngayo’y pag-aari na ng gobyerno.[Rappler]
  • EO 179 - para maibenta ang mga nasabing shares upang maging cash. 
  • EO 180 - para magamit ang cash na ito na pampondo ng mga programang para sa mga magniniyog. 
Nakatutuwang isipin na sa wakas, matapos ang tatlong dekada, ay mabebenipisyohan na ang mga magniniyog.

Pero hindi pa rin. Paulit-ulit na lang na #Paasa, di ba?

Noong July 2015, nag-issue ang SC ng TRO laban sa EO 179 at 180 matapos itong irequest ng Confederation of Coconut Farmers Organizations of the Philippines (COCOFED). [Rappler]

Sa unang tingin ay tila kilusang magbubukid talaga ang COCOFED, ngunit ang katotohanan ay ka-alyado rin ni Danding Cojuangco. [ABSCBN]

Ngayong Marso 2016 ay nakabinbin pa rin ang kasong ito at hindi mapangasiwaan ng husto ng gobyerno ang 27 percent na SMC shares.

Dahil sa Korte Suprema, sa COCOFED, at kay Danding Cojuangco.

So ano ang masasabi ni Grace Poe tungkol dito, lalo na't campaign donor niya si Danding?

Did you know that the 70s Coco Levy Fund Scam is still unresolved up to this day? Did you also know that it's 10-15...
Posted by The Thinking Pinoy on Thursday, March 10, 2016

Ang Pahayag ni Grace Poe

Noong Miyerkoles, tinanong si Senador at presidential candidate Grace Poe tungkol sa kanyang masasabi sa shares ni Eduardo “Danding” Cojuangco sa San Miguel Corporation (SMC) na diumano’y illegal na binili gamit ang Coconut Levy Fund noong 1970s.[Rappler]




Tinanong si Poe habang nangangampya sa Quezon, kung saan may pinakaraming magniniyog, isa sa mga pinakadukhang uri ng magsasaka sa buong bansa.

“Ang problema, ‘di naman kontrolado… ni Danding Cojuangco [ang SMC shares] sapagkat nasa gobyerno na ang shares na 'yan sa coco levy”, ani Poe.
“In fact, ang Supreme Court may desisyon na dy'an kung paano dapat i-release na 'yan. Kaso 'yung gobyerno natin meron pang ideya kung paano gagamitin 'yun imbis na diretso na lamang at malinaw sa coco farmers,” dagdag ni Poe.

Oras na mabasa ko ang balitang ito, biglang nagdilim ang paningin ko.

Alam kong kulang sa karanasan at kaalaman si Grace Poe, pero hindi ko inakalang ganito siyang kamangmang.

Pakinggan muna natin ang depensa ni Poe:



Saan Poe siya nagkamali?

Ngayon, tanggalin na natin sa usapan ang 20 percent na “shares via loan” dahil natalo na tayo doon. Nakaaasar mang isipin, ganun talaga e. End of the line na ang peg. Ipaglaban na lang natin iyong 20 percent sa ibang araw.

Sa halip, ang pinag-uusapan na lamang natin ay ang 27 percent na CIIF-SMC shares na napanalunan na ng gobyerno.

Ulitin natin ang mga sinabi ni Poe:

“Ang problema, ‘di naman kontrolado… ni Danding Cojuangco [ang SMC shares] sapagkat nasa gobyerno na ang shares na 'yan sa coco levy... In fact, ang Supreme Court may desisyon na dy'an kung paano dapat i-release na 'yan. Kaso 'yung gobyerno natin meron pang ideya kung paano gagamitin 'yun imbis na diretso na lamang at malinaw sa coco farmers,”
Ngayon, isa-isahin natin ang mga katagang binitiwan ni Grace Poe-Llamanzares.

Una Poe: “Di naman kontrolado… ni Danding Cojuangco... nasa gobyerno na ang shares na 'yan”

Mali. Sa kabila ng 2016 Supreme Court Decision, 4% ng mga CIIF-SMC shares (halagang Php 17 billion) na kabilang sa pabor na SC decision, ay nasa pangangasiwa pa rin ng SMC at ayaw ni Danding na ipasa ito sa gobyerno. [COIR]

Ikalawa Poe: “ang Supreme Court may desisyon na kung paano dapat i-release”

Mali. Nagdesisyon ang Korte Suprema na pigilan ang gobyerno na gamitin ang CIIF-SMC shares. Hindi ito nagdesisyon kung paano ire-release ito. Pinigil ng SC ang gobyerno. Iyon lang ang kanilang ginawa. Hindi sila nagdesisyon kung paano irerelease.
Pero siyempre, hindi mo gugustuhing barahin ang SC dahil kailangan mo pa ang paborableng desisyon. Tama't pinayagan kang tumakbo, pero may matitindi pang Motion for Reconsideration kang haharapin.
Diyos ko Poe naman Grace.

Ikatlo Poe: “Kaso 'yung gobyerno natin meron pang ideya kung paano gagamitin”

Tama, pero hindi ba’t responsibilidad ng ehekutibo-lehislatibo kung paano pangangasiwaan ang buwis? Hindi ba’t buwis ang Coco Levy? Kailangan pa bang i-memorize yan? Alam kong kurakot ang gobyerno, pero trabaho pa rin yan ng gobyerno dahil walang ibang gagawa niyan.
Grace, tumatakbo ka Poe bilang pangulo pero tila hindi mo yata alam ang ginagawa ng pangulo.

Ikaapat Poe: “imbis na diretso na lamang at malinaw sa coco farmers”

Shares pa lamang ito, hindi pa ito cash. Paano irerelease sa mga magsasaka ang shares lang? Magniniyog lang ang mga yan, ano alam niyan sa Stock Market? Gusto mo bang makipila ang mga magniniyog sa Stock Exchange sa Makati?

Diyan mo ba sila gustong patambayin?


Ang EO 179 ay para gawing cash ang mga shares at ang EO 180 ay para gumawa ng programa para sa mga magniniyog.

Sige, kunwari ay hindi na-TRO ang EO 179 at naging cash na ang mga CIIF-SMC shares. Mayroon ka bang plano kung paano ito direktang ipamumudmod sa mga magniniyog? Hindi mo ba alam na 30 years na ang nakalipas at marami sa mga nasalanta ng Coco Levy ay patay na?

Paano, papipilahin mo na lang mga namatay nang mga magniniyog? Paano makikinabang ang mga namatay na at walang mga tagapagmana? Gusto mo bang ulanin ng estate-related lawsuits ang mga hukuman natin?

Maliban dito, kontrolado ni Danding ang COCOFED, na siya namang nagpa-TRO ng mga EO ni Pnoy. Ang suma total nito ay aktibo pa rin minamanipula ni Danding Cojuangco ang perang dapat ay pinakikinabangan dati pa ng mga mahihirap na magniniyog.

Hindi mo Poe alam ang iyong sinasabi. Diyos ko Poe naman Grace.

Mangmang ba talaga si Poe?

Marahil ay sasabihin ng mga supporter ni Poe na baka hindi lang nito naiintindihan ang issue ng buong-buo.

Una, hindi ako masosorpresa dahil nasa United States at Amerikano ang buhay ni Poe for most of her life. Pakialam niya sa magniniyog?

Pangalawa, responsibilidad niya bilang kandidato sa pagkapangulo ang intindihin ng tama ang kasaysayan ng Pilipinas.

Kung ako ang may-ari ng isang kompanya, gagawin ko bang manager ang isang new hire na walang kaalam-alam sa pasikot-sikot ng negosyo ko?

Pangatlo, lantarang suportado ni Poe si Danding bago pa man ito tumakbo.


Senate Agri Committee Vice-chair Grace Poe

May #PUSO ba talaga si Poe para sa mga magniniyog? Hindi kaya eleksyon lang kaya nakikipagbolahan lang siya?

Tingnan natin.

Bilang vice-chair ng Senate Committee on Agriculture, responsibilidad ni Poe na suportahan ang lahat ng mga panukalang batas na para sa ikabubuti ng mga mahihirap na magsasaka kung saan kabilang ang mga magniniyog na inabuso sa Coco Levy Funds Scam.

Ipinanukala ang "Coconut Farmers and Industry Trust Fund Bill" sa kasulukuyang kongreso. Pumasa ito sa House of Representatives, pero hindi man lamang ito umabot sa plenary discussions sa Senado.

Si Grace Poe, na vice-chair mismo ng kumiteng ito ay HINDI PUMIRMA sa panukalang batas na ito.

Nang batikusin dito, sinabi ng kampo ni Poe na ang dapat sisihin ay ang Senate President.

Bakit kailangan mo pa ang inisyatibo ni Drilon? Wala ka bang sariling isip?

At kung hindi man yan suportahan ni Drilon, ba't hindi mo ginawa ang parte mo? Bakit hindi mo pinirmahan?

Ano yan? Dahil rin kay Danding?

Hipokrita rin eh, no?

Sabi nga naman ni Upton Sinclair, “It is difficult to get a man to understand something, when his salary depends upon his not understanding it!”

Babaguhin ko ng bahagya at tatagalugin ko para sa iyo:
"Hindi maaasahang makakaintindi ang tao kung ang pera niya ay nakasalalay sa hindi pagkakaintindi nito."

QUESTION: Kanino ka nga ba pala kumukuha ng perang pangkampanya?

ANSWER: Kay Eduardo “Danding” Cojuangco.

(Thinking Pinoy)

__________

NOTE: PARA SA PART 1 NG ARTICLE NA ITO, CLICK HERE
__________

Did you like this post? Help ThinkingPinoy.com stay up! Even as little as 50 pesos will be a great help!