Ako poe si Grace Llamanzares-Poe, ang inyong pangulo. Ngayon taong 2021, narito poe ako upang isalaysay ang kalagayan ng ating bansa sa ilalim ng “Gobyernong may #Puso”.
Masasabi ko pong lubusan tayong nahamon sa nakalipas na mga taon, ngunit nasisiguro ko poe sa inyong aking ginawa ang lahat ng maaaring gawin upang isulong ang mga adbokasiyang malapit sa inyong mga puso.
Limang taon na poe ang nakalipas mula nang ako’y maluklok bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Dahil ito na poe ang aking huling State of the Nation Address, kaya’t akin pong isasalaysay ang kuwento ng huling limang taon sa ilalim ng “Gobyernong may #Puso”.
Nais ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong nasa likod ko sa kabila ng lahat ng pambabatikos at pananagabal ng ating mga programa. Tinitiyak ko poe sa inyong lahat na aking ginagawa ang lahat ng aking makakaya upang ipatupad ang aking mga ipinangako noong ako nangangampanya pa.
I. Freedom of Information.
Mahalaga sa ating pakikipaglaban sa korupsyon ang malayang pagdaloy impormasyong tungkol sa mga transaksyong pampamahalaan. Dahil rito, aking inilunsad noong 2016 ang Executive Order (EO) No. 1 o Freedom of Information (FOI).
Sa kasamaang-palad, hindi poe sapat ang EO upang magkaroon tayo ng tunay na Freedom of Information.
Ang EO 1 ay nasasapawan ng mga Republic Act (RA) tulad ng RA 1405 o Bank Secrecy Law. Ayon sa konstitusyon, mas binibigyang halaga ang mga RA kaysa sa mga EO, kaya’t napag-alaman poe nating kailangan palang ipawalang-bisa ang ilang mga RA at magpasa ng tunay na batas para sa FoI.
Ito rin po’y hinarangan ng ating Korte Suprema, tulad na rin ng pagharang dati sa EO No. 1 ng ating dating pangulo at kasalukuyang Agrarian Reform Secretary Benigno “Noynoy” Cojuangco Aquino III.
Hinimok ko poe ating mga mambabatas sa pangunguna ni Senador Alan Peter Cayetano upang ipasa ang Freedom of Information Law. Ginawa ko rin poe itong “certified as urgent” upang mapabilis ang pagtalakay nito sa Senado at sa Kongreso, isang bagay na hindi ginawa ng nakaraang administrasyon.
Awa ng Diyos ay nakapasa ito sa Senado sa kabila ng pagkontra ng ilang mambabatas tulad ni Senador Nancy Binay, at sa kabila ng madalas na kakulangan ng quorum dahil ‘di pagdalo sa sesyon ni Senador Emmanuel Pacquiao.
Alam naman poe nating tayo po’y tumakbo ng may mga busilak na hangarin, ngunit kailangan poe nating tanggapin ang katotohanang tayo’y hindi poe kabilang sa anumang partidong pulitikal. Dahil LP-NPC poe ang bumubuo ng mayorya sa kamara, humingi poe tayo ng tulong sa ating butihing DAR Sec. Aquino upang mapausad ang FOI sa Kamara. Si Sec. Aquino poe ang kasalukuyang chairman ng koalisyon ng LP-NPC matapos magretiro ng dating NPC chair Eduardo “Danding” Cojuangco.
Upang magampanan ni Sec. Aquino ang kanyang mga katungkulan, ginawaran poe natin siya ng Executive Clemency para sa DAP at Mamasapano. Kasama poe sa executive clemency ang dating DILG Sec at ngayo’y DENR Sec. Manuel “Mar” Roxas II.
II. 2017 Pork Barrel Scam
Ang 2017 Pork Barrel Scam ay ating pinagtuunan ng pansin. Atin pong pasalamatan si Ginoong Ramon Tulfo sa kanyang isang linggong serye ng mga exposé laban sa 500 na mga opisyal sa kongreso at mga lokal na pamahaalaan. Ipinalabas poe ang kanyang palatuntunan sa GMA7, ABSCBN2, at TV5, kaya’t nalaman poe ng buong bayan ang katiwalian ng mga opisyales nito, gamit na rin ang mga datos na kanyang nakalap gamit ang FOI.
Sa kabilang banda, nais ko naman pong humingi ng paumanhin sa mga mamamayan kung nawala na poe ang mga primetime show sa telebisyon bunsod ng isyung ito.
Ipinilit ng ating mga kongresista ang “Right of Reply” sa FOI, kaya’t kailangan poe nating bigyan ng katumbas na airtime ang mga opisyal na sangkot sa scam. Sampung isang-oras na episode ang ginamit ni G. Tulfo, kaya’t kailangan poe nating bigyan ng tig-sampung oras din na airtime ang bawat opisyal para ipagtanggol ang kanilang sarili.
Dahil 500 poe ang sangkot, gugugol 500 x 10 = 5000 na oras upang mai-ere ang mga depensa ng mga opisyal. Limanlibong oras, katumbas ng 208 na araw na non-stop na ipinalabas ang panig ng mga nasasangkot sa lahat ng TV station. Dinagdagan pa poe ito ng mga commercial tulad ng #PilipinasDebates2016 kaya’t umabot poe ng dalawang taon bago ito mai-ere lahat.
Nagsara na poe ang lahat ng major TV station dahil sa pagkalugi, pero ganito poe talaga ang mekanismo ng ating bersyon ng FOI ngayon.
Nakalulungkot pong isipin na nanlilimos na lamang ngayon sa Cubao sina AlDub, JaDine, LizQuen at KathNiel dahil wala na poe silang trabaho bunsod ng pagsasara ng Siyete at ng Dos. Bilang tugon dito, mula sa araw na ito ay isasama na poe natin sa Pantawid Pamilyang Pilipinong may #Puso Program (5Ps) ang lahat ng kasapi ng Star Magic at GMA Artist Center.
Ikinagagalak ko pong ipaalam sa inyo na dahil wala na ang GMA7, nakuha na poe ng pamahalaan ang trademark rights sa salitang “Kapuso”, na akmang-akma sa ating temang “Gobyernong may #Puso”.
![]() |
Hindi ko na alam kung alin ang alin. |
Simula poe ngayon ay hindi poe tayo tataguriang “Pilipino”. Tayo pong lahat ay mga “Kapuso” sa ilalim ng “Gobyernong may #Puso”.
Wala nang #Kapatid at #Kapamilya. Lahat poe tayo ay mga magka-#Kapuso.
III. Tsina
Sa totoo lang po, kinausap poe muna ako ng Chinese Ambassador noong ako’y maluklok sa pwesto.
Aniya, “Maari namang magtulungan ang Pilipinas at Tsina. Ginagawa lang namin ito dahil panig kayong masyado sa Estados Unidos. Gusto lang naming makipag-usap ng maayos. Hindi niyo kami kailangang kampihan, pero sana man lang ay maging neutral kayo.”
Kinonsulta ko poe ito sa aking gabinete at sinabi nilang makatwiran naman ang hinihiling ng Tsina. Kaya lamang poe ay American Citizens po ang aking mga anak. Paano ko po ipaliliwanag sa aking pamilya ang suhestiyong ito?
Napakawalang-puso ko naman po kung sakali.
Mga kababayan, ako po ay isang pangulong may #Puso.
Dasal lang. Dasal lang talaga.
Dahil rito, hinindian po natin noong 2016 ang suhestiyon ng Tsina at itinuloy natin ang kaso sa Hague. At sa tulong ng aking gabinete, tayo po ay nagwagi rito.
Sa kabila nito, tuloy pa rin po ang pago-okupa ng Tsina sa West Philippine Sea. Noong 2020, mayroon na po silang 25 na oil rig sa Spratly Islands.
Mga #Kapuso, pinag-patrolya po natin ang ating labindalawang makabagong fighter jets upang bigyan ng malinaw na mensahe ang Tsina na hindi nila tayo maaaring apihin. Bilang tugon, pinadala ng Tsina ang higit dalawang libo nilang fighter jets sa Philippine Sea. Hindi pa po nakuntento ang Tsina rito. Nag-text pa po sa akin si Chinese Premier Li Keqiang ng “去你妈的, 你这个愚蠢的美国人.”
Humingi po tayo mga kapuso ng suporta kay President Donald Trump ng Estados Unidos. Gusto po sana nilang magpadala ng kanilang militar ngunit inaasikaso pa ni President Trump ang giyera nila laban sa Mexico. Nahihiya rin po silang harapang labanan ang Tsina dahil napakalaki ng utang nila sa mga intsik.
Sa kabila po ng lahat ng ito ay nagpapadala pa rin po ang Amerika ng mga mensaheng pangsuporta na tunay naman pong nakatataba ng #Puso.
Sumasang-ayon rin po sa akin si Brian, ang aking panganay. Aniya, “Mom, don’t let US and China go to war. If you do, I won’t be able to buy limited edition Nikes again!”
![]() |
Mahilig poe talaga sa Limited Edition Nike si Brian Poe . |
Sa totoo lang po, pinagsabihan ko na si Brian tungkol dito, lalo na't sinasabi sa Constitution na:
Public officers... must, at all times... be accountable to the people, serve them with utmost loyalty... act with patriotism... and lead modest lives. (1987 Constitution Art. XI Sec. 1)
Kaya lang poe, sumagot si Brian.
"I think you got the wrong consitution. My passport is blue last time I checked."
Dahil rito, napagpaspasyahan ko po, bilang Pinuno ng ating Sandatahang Lakas, na lusubin ang mga instalasyon ng Tsina sa West Philippine Sea ngunit hindi po ito natuloy dahil sa 2020 Coup d’Etat.
IV. 2020 Coup d’Etat
Karaniwan sa kahit anong administrasyon ang magkaroon ng oposisyon, at tanggapin po natin ang katotohanang may mga hindi sumasang-ayon sa “Gobyernong may #Puso”.
Sa kasamaang-palad, labis na sinamantala ng oposisyon ang aking kakulangan ng karanasan sa pulitika. Lumakas po ang loob ng oposisyon dahil kasulukuyan ko pa lamang pong natutunan ang “ins and outs” ng pamamahala. Parang ganito rin po ang nangyari sa panahon ni Pangulong Cory, dahil kulang din po siya sa karanasan.
![]() |
Payat pa kaya noong 1990s si Jessica Soho? |
Makasaysayan ang araw na ito sapagkat inyo pong mapapansin na sa unang pagkakataon ay ginanap ang SONA sa Mall of Asia Arena at hindi sa Batasang Pambansa.
Ito ay dahil sa 2020 kudeta na pinangungunahan ng alyansa nina Senador Revilla, dating vice-president Binay at Army Major General Tipaklong. Kasalukuyan po nilang sinasakop ang Malacanang at Batasan Complex.
Sa kabila ng lahat nito...
BOOOOOOOOMMM!!!
Poe: “ANONG PUTOK YON!!? May dumadagundong!”VP Escudero: “Nilulusob tayo ng militar, nasa labas na sila!”
Mga kababayan, huminahon po tayo. Makikipag-usap po tayo kina General Tipaklong. Naniniwala poe akong sa kabila ng lahat, at tulad ng aking ipinangako noong 2016, walang hindi magagawa ang “Gobyernong may #Puso”.
Maraming salamat poe.
(THINKING PINOY)
(THINKING PINOY)
xxxxxxxxxx