Basurang reporter si Karen Davila, pero mas basura pa pala lahat ng iba. Mayroong itinatago ang Philippine Media, na dapat ay ikabahala ng lahat.
Kulang na lang ay sabihin ng Big Media na ang katagang "Bayani si del Rosario" ay hango sa bibliya, at pinaniniwala nila ang taumbayan ng ganito, sa kabila ng katotohanang hindi ito tugma sa realidad.
Lumilitaw na ang interview ni Karen Davila kay del Rosario [TP: Dear Karen], kahit walang kwenta, ay ang NAG-IISANG attempt ng Big Media na halukayin ang issue ng conflict of interest.
Mayroon bang media blackout sa issue ng conflict of interest ni del Rosario?
Tatalakin ni ThinkingPinoy ang problemang ito sa pamamagitan ng pagsagot sa apat na simpleng tanong:
Ang First Pacific ay itinatag ng Chinese-Indonesian na si Sudono Salim, isang crony ng yumaong diktador nasi Suharto. Si Salim ang dating pinakamayaman na tao sa Indonesia [JP]. Kung tutuusin, si Salim at ang First Pacific ay parang si Danding Cojuangco at ang San Miguel Corporation [TP: Coco Levy].Nag-try ang First Pacific na itago ang kahalagahan ng posisyon ni del Rosario nang tawagin itong "Non-executive Director” [FP]. Kaya lang, ginamit ng First Pacific ang pangalana ni del Rosario bilang pangunahing direktor ng kumpanya sa "Disclosure of Interests" nito sa Hong Kong Stock Exchange [HKEx].
Hindi raw mahalaga pero siya ang frontline man ng First Pacific? Weeeeeeeeeehhh, di nga?
Base sa kanyang official profile [FP], naging DFA Secretary si Del Rosario noong Pebrero 2011 habang direktor pa ng First Pacific. Nag-resign ito sa sumunod na buwan, na marahil ay para sa delicadeza.
Pero doon natatapos ang delicadeza ni del Rosario.
Ating itanong...
Tara't ilista natin ang ilang sa kanyang mga ginawa:
UNA: Isang linggo pa lang sa puwesto sa DFA[ABS], pinayagan ni del Rosario ang Salim-MVP company na Forum Energy para pumunta sa South China Sea at maghanap ng langis [Storey 2011], kahit alam nitong labag ito sa 2002 ASEAN Declaration of Conduct (2002 DoC) kung saan nakasaad na:
IKALAWA: Nag dumating ang Salim-MVP survey ship sa Reed Bank, mabilis na nilapitan ito ng mga barko ng China kaya napilitan itong umatras. Imbes na makipag-usap sa China ayon sa 2002 DoC, isinawalang-bahala ni del Rosario ang oposisyon ng China. Pinayagan ni Del Rosario na manumbalik ang Salim-MVP survey ship sa lugar at tapusin ang survey makalipas ang dalawang linggo [ABS].
IKATLO: Sobrang lumala ng PH-China diplomatic relations dahil rito [TP: Trillanes], kaya't napilitan ang parehong bansa na gumamit ng impormal na “backdoor negotiations”. Kumbaga, imbes na "usapang may papeles", "usapang lalaki" na lang. Sino ang inappoint ni del Rosario na backdoor negotiator? Si First Pacific CEO Manny Pangilinan [GMA].
IKA-APAT: Sa buong termino niya sa DFA, hindi binitawan ni del Rosario ang daan-milyong halaga ng kanyang ari-ariang stocks sa mga mga Salim-MVP companies [TV5] tulad ng PLDT, Metro Pacific Land, Metro Pacific Investments, Meralco, Philex Mining, at higit sa lahat, ang stocks ng Philex Petroleum, ang kumpanyang nasasabit sa issue ng Reed Bank Survey.
IKALIMA: Inilunsad ang mga stocks ng Philex Petroleum noong Setyembere 2011. Ilang buwan nang DFA Secretary si del Rosario sa panahong 'yon [Inq]. Oo, tumanggap si del Rosario ng stocks ng kontrobersiyal na kumpanyang ito sa gitna ng away ng Pilipinas at Tsina.
IKAANIM: Nasa kay Del Rosario pa rin ang petroleum stocks batay sa 08 Abril 2015 na report ng Philex Petroleum[PSE], Kabilang si Del Rosario sa Top 100 stockholders ng Philex Petroleum.
IKAPITO: Kasama ang basbas ni del Rosario at Pres. Aquino, tinangka ni MVP na makipag-partnership sa China National Offshore Oil Corporation (CNOOC) [Star]. Ang CNOOC ay isang Chinese state-owned corporation.
IKAWALO: Inagaw ni Del Rosario ang awtoridad ng Department of Energy na mag-issue ng kontrata sa South China Sea, sa kabila ng direktang interes ng Philex Petroleum sa lugar na ito [Inq].
IKA-SIYAM: Bilang DFA Chief at gamit ang kapangyarihan ng DoE, inextend ni del Rosario ng dalawang taon ang kontrata ng Forum Energy (Philex Petroleum) sa Reed Bank Inq].
IKASAMPU: Tatlong petroleum contract ang iginawad ng gobyerno mula 2011 hanggang 2013 [DOE]. Dalawa rito ay napunta sa Salim-MVP group (Philex at Pitkin) [FP]. Hindi Salim-MVP company ang ikatlong nanalo ng kontrata, pero lumitaw na walang silbi ang ikatlong kontratang ito. Noong 2015, nag-anunsiyo ang Otto Energy, ang awardee ng ikatlong kontrata, na aalis na ito sa Pilipinas upang mag-operate sa ibang mga bansang may “better potential” [MT].
Malilinaw sa sampung puntong ito ang kinalaman ni del Rosario sa pagsusuong ng business interests ng Salim-MVP group.
Ayaw tayong ibenta ni Del Rosario na ibenta sa China. Gusto niya tayong ibenta sa Indonesia.
Kulang na lang ay i-rename ang DFA into "DMVP".
Kaya't ang tanong ngayon ay...
Narito ang sinasabi ng Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution [Gov.ph]:
At narito ang mga batas na iyon.
Una , ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act Section 3(h) [RA 3019]:
Hindi bayani si del Rosario. Isa siyang kriminal, isang kriminal na nagpapayaman sa Indonesian version ni Danding Cojuangco, at nagpapahamak sa karaniwang mga taong tulad natin.
Oo, kailangang malaman ng publiko ang paliwanag ni del Rosario, at ang pinakamagandang oportunindad ay noong napanayam siya ni ABS-CBN journalist Karen Davila sa Headstart noong 18 July 2016, o wala pang isang linggo matapos ilabas ang final ruling sa South China Sea arbitration case.
Kaya ang tanong ngayon ay...
Sabi ko pa nga kay Davila, “This country needs journalists with integrity, a quality that you seemingly lack. (Kailangan ng bansang ito ng mga mamamahayag na may integridad, isang kaledad na wala ka.”
Kaya lang, kamakailan ko lang nadiskubreng asawa pala ni Davila si DJ Sta. Ana, ang news operations head ng TV5 [LinkedIn]. Ang TV5 ay isang Salim-MVP company [BM].
Baka ayaw niyang magalit si Mister?
Sa puntong ito, hindi na mahalaga. Ang mas mahalagang tanong ay kung ano ang ginawa ng ibang mga mamamahayag tungkol sa del Rosario conflict of interest issue. Para malaman iyan, nag-google si ThinkingPinoy gamit ang term na ito:
Narito ang mga nakuha kong resulta as of 11:27 PM Manila, 30 Hulyo 2016.
Syempre, may isang epal na magsasabing, “Huwag kang feelingera, baka puro tanga lang kasi nagbabasa ng website mo,” pero hindi e.
Bakit? Dahil ang isang simplenggoogle search para sa July 2016 articles [as of 30 July 2016, 11:56 PM Manila] gamit ang …
Higit ,000,000 hits, higit 100,000 shares, at magandang Google ranking, pero hindi pa rin ito nababalitaan ng Big Media?
Patay-malisya lang?
Tatlo ang naiisip kong dahilan sa likod ng news blackout na ito:
Ngayon, hayaan na lang natin na ang taumbayan ang magpasya kung papayag pa silang patuloy na gaguhin ng Big Media..
Kinukundena ko ang pagpatay sa mga mamamahayag, pero sa mga pinaggagagawa ninyo, paano ni maaasahang makikisimpatya sa inyo ang taumbayan?
Tara't itanong natin ang huling katanungan:
DONT FORGET TO SHARE!
RELATED POSTS:
Did you like this post? Help ThinkingPinoy stay up! Even as little as 50 pesos will be a great help!
Follow @iMthinkingPinoy
NOTE: This is Tagalog translation of the ThinkingPinoy article "On Sec. Albert Del Rosario, is there anybody worse than Karen Davila?". If you want to read the English Version, please click here.Ang mga pinakamalalaking media outlets sa Pilipinas, na tatawagin kong "Big media", ay nagsasabing isang bayani ang foreign affairs secretary ni Pres. Aquino na si Sec. Albert del Rosario, matapos nitong isulong ang arbitration case tungkol sa South China Sea dispute.
Kulang na lang ay sabihin ng Big Media na ang katagang "Bayani si del Rosario" ay hango sa bibliya, at pinaniniwala nila ang taumbayan ng ganito, sa kabila ng katotohanang hindi ito tugma sa realidad.
Lumilitaw na ang interview ni Karen Davila kay del Rosario [TP: Dear Karen], kahit walang kwenta, ay ang NAG-IISANG attempt ng Big Media na halukayin ang issue ng conflict of interest.
Mayroon bang media blackout sa issue ng conflict of interest ni del Rosario?
Tatalakin ni ThinkingPinoy ang problemang ito sa pamamagitan ng pagsagot sa apat na simpleng tanong:
- Sino si Albert del Rosario?
- Anong ginawa ni Albert del Rosario?
- Anong nilabag ni Albert del Rosario?
- Anong ginawa ni Karen Davila at ng Big Media ukol dito?
Sino si Albert del Rosario?
Mula noong 2004, maliban sa isang 5-year break mula 2011 hanggang 2015, kabilang si Albert del Rosario sa Indonesian-owned, Hong Kong-based na kumpanyang First Pacific, kung saan nagsisilbing managing director at CEO ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan (MVP) [FP].Ang First Pacific ay itinatag ng Chinese-Indonesian na si Sudono Salim, isang crony ng yumaong diktador nasi Suharto. Si Salim ang dating pinakamayaman na tao sa Indonesia [JP]. Kung tutuusin, si Salim at ang First Pacific ay parang si Danding Cojuangco at ang San Miguel Corporation [TP: Coco Levy].Nag-try ang First Pacific na itago ang kahalagahan ng posisyon ni del Rosario nang tawagin itong "Non-executive Director” [FP]. Kaya lang, ginamit ng First Pacific ang pangalana ni del Rosario bilang pangunahing direktor ng kumpanya sa "Disclosure of Interests" nito sa Hong Kong Stock Exchange [HKEx].
Hindi raw mahalaga pero siya ang frontline man ng First Pacific? Weeeeeeeeeehhh, di nga?
Base sa kanyang official profile [FP], naging DFA Secretary si Del Rosario noong Pebrero 2011 habang direktor pa ng First Pacific. Nag-resign ito sa sumunod na buwan, na marahil ay para sa delicadeza.
Pero doon natatapos ang delicadeza ni del Rosario.
Ating itanong...
Anong ginawa ni Albert del Rosario?
Sa limang taong inilagi niya sa Department of Foreign Affairs (DFA), ulit-ulit na ginamit ni del Rosario ang kanyang pampublikong posisyon para bigyan ng favors ang mga kumpanya ng First Pacific, ang mga kumpanyang kontrolado ng "Salim-MVP group".Tara't ilista natin ang ilang sa kanyang mga ginawa:
UNA: Isang linggo pa lang sa puwesto sa DFA[ABS], pinayagan ni del Rosario ang Salim-MVP company na Forum Energy para pumunta sa South China Sea at maghanap ng langis [Storey 2011], kahit alam nitong labag ito sa 2002 ASEAN Declaration of Conduct (2002 DoC) kung saan nakasaad na:
5. The Parties undertake to exercise self-restraint in the conduct of activities that would complicate or escalate disputes and affect peace and stability… [ASEAN] (Ang lahat ng panig ay nangangakong umiwas sa mga gawain na magpapagulo o magpapalala ng mga dispute at makaaapekto sa kapayapaan at istabilidad...)
IKALAWA: Nag dumating ang Salim-MVP survey ship sa Reed Bank, mabilis na nilapitan ito ng mga barko ng China kaya napilitan itong umatras. Imbes na makipag-usap sa China ayon sa 2002 DoC, isinawalang-bahala ni del Rosario ang oposisyon ng China. Pinayagan ni Del Rosario na manumbalik ang Salim-MVP survey ship sa lugar at tapusin ang survey makalipas ang dalawang linggo [ABS].
IKATLO: Sobrang lumala ng PH-China diplomatic relations dahil rito [TP: Trillanes], kaya't napilitan ang parehong bansa na gumamit ng impormal na “backdoor negotiations”. Kumbaga, imbes na "usapang may papeles", "usapang lalaki" na lang. Sino ang inappoint ni del Rosario na backdoor negotiator? Si First Pacific CEO Manny Pangilinan [GMA].
IKA-APAT: Sa buong termino niya sa DFA, hindi binitawan ni del Rosario ang daan-milyong halaga ng kanyang ari-ariang stocks sa mga mga Salim-MVP companies [TV5] tulad ng PLDT, Metro Pacific Land, Metro Pacific Investments, Meralco, Philex Mining, at higit sa lahat, ang stocks ng Philex Petroleum, ang kumpanyang nasasabit sa issue ng Reed Bank Survey.
IKALIMA: Inilunsad ang mga stocks ng Philex Petroleum noong Setyembere 2011. Ilang buwan nang DFA Secretary si del Rosario sa panahong 'yon [Inq]. Oo, tumanggap si del Rosario ng stocks ng kontrobersiyal na kumpanyang ito sa gitna ng away ng Pilipinas at Tsina.
IKAPITO: Kasama ang basbas ni del Rosario at Pres. Aquino, tinangka ni MVP na makipag-partnership sa China National Offshore Oil Corporation (CNOOC) [Star]. Ang CNOOC ay isang Chinese state-owned corporation.
IKAWALO: Inagaw ni Del Rosario ang awtoridad ng Department of Energy na mag-issue ng kontrata sa South China Sea, sa kabila ng direktang interes ng Philex Petroleum sa lugar na ito [Inq].
IKA-SIYAM: Bilang DFA Chief at gamit ang kapangyarihan ng DoE, inextend ni del Rosario ng dalawang taon ang kontrata ng Forum Energy (Philex Petroleum) sa Reed Bank Inq].
IKASAMPU: Tatlong petroleum contract ang iginawad ng gobyerno mula 2011 hanggang 2013 [DOE]. Dalawa rito ay napunta sa Salim-MVP group (Philex at Pitkin) [FP]. Hindi Salim-MVP company ang ikatlong nanalo ng kontrata, pero lumitaw na walang silbi ang ikatlong kontratang ito. Noong 2015, nag-anunsiyo ang Otto Energy, ang awardee ng ikatlong kontrata, na aalis na ito sa Pilipinas upang mag-operate sa ibang mga bansang may “better potential” [MT].
Malilinaw sa sampung puntong ito ang kinalaman ni del Rosario sa pagsusuong ng business interests ng Salim-MVP group.
Ayaw tayong ibenta ni Del Rosario na ibenta sa China. Gusto niya tayong ibenta sa Indonesia.
Kulang na lang ay i-rename ang DFA into "DMVP".
Kaya't ang tanong ngayon ay...
Ano ang nilabag ni Albert del Rosario?
Tila nakalimutan na ni Del Rosario ang 1987 Constitution, RA 3019, at RA 6713.Narito ang sinasabi ng Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution [Gov.ph]:
“Section 13. The… Members of the Cabinet… shall not… during said tenure, directly or indirectly… be financially interested in any contract with… the Government. They shall strictly avoid conflict of interest in the conduct of their office.”
(Section 13. Ang mga... Miyembro ng Gabinete... ay pinagbabawalan... habang nanunungkulan, direkta man o hindi... na maging financial interested sa kahit anong kontrata na kabilang... ang Pamahalaan. Mahigpit nilang iiwasan ang conflict of interest sa kanilang panunungkulan.)Malinaw na nilabag ni Del Rosario ang konstitusyon, pero tulad ng kahit anong kaso, kailangan nating humanap ng batas na mismong nilabag ng mokong na ito.
Una , ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act Section 3(h) [RA 3019]:
“… having financing or pecuniary interest in any business, contract or transaction in connection with which he intervenes or takes part in his official capacity...”
...pagkakaroon ng pinansiyal na interes sa kahit anong business, kontrata, o transaksyon na may kinalaman sa kanyang katungkulan...Ikalawa, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act Section 3(i) [RA 3019]:
“… having a material interest in any transaction… requiring the approval of a… group of which he is a member, and which exercises discretion in such approval, even if he votes against the same or does not participate… Interest for personal gain shall be presumed against those public officers…”
... ang pagkakaroon ng interes sa kahit anong transaksiyon... na nangangailan ng approval ng... isang grupong kanyang kinabibilangan at siyang may kapangyarihan sa pag-approve, kahit bumoto man siya o hindi.... Ang pansariling interes ay prine-presume para sa mga opisyal na ito...Ikatlo, ang Code of Ethics of Public Officials Section 7(a) [RA 6713]:
"Public officials and employees shall not, directly or indirectly, have any financial or material interest in any transaction requiring the approval of their office.
Ang mga pampublikong opisyal... ay pinagbabawalan magkaroon ng kahit anong interes sa kahit anong transaskyon na nangangailangan ng approval ng kanyang opisina.Kayo na ang bahalang mag-match ng mga ginawa ni del Rosario na nakalista sa kabilang section sa mga nakalistang batas sa section na ito. Tandaang maaaring may iba pang batas o probisyon na nilabag si del Rosario, pero sa tingin ko ay sapat na ang tatlong ito para ipaliwanag ang aking punto.
Hindi bayani si del Rosario. Isa siyang kriminal, isang kriminal na nagpapayaman sa Indonesian version ni Danding Cojuangco, at nagpapahamak sa karaniwang mga taong tulad natin.
Oo, kailangang malaman ng publiko ang paliwanag ni del Rosario, at ang pinakamagandang oportunindad ay noong napanayam siya ni ABS-CBN journalist Karen Davila sa Headstart noong 18 July 2016, o wala pang isang linggo matapos ilabas ang final ruling sa South China Sea arbitration case.
Kaya ang tanong ngayon ay...
Anong ginawa ni Karen Davila at ng Big Media ukol dito?
Sa "Dear Karen ‘Higher Intelligent (sic)’ Davila”, ipinaliwanag ko kung paano tahasang iniwasan ni Karen Davila na talakayin ang conflict of interest ni del Rosario. Binembang ko siya ng wagas dahil rito, lalo na't inamin ni Karen na siya mismo ay bumili ng Philex Petroleum stocks.Sabi ko pa nga kay Davila, “This country needs journalists with integrity, a quality that you seemingly lack. (Kailangan ng bansang ito ng mga mamamahayag na may integridad, isang kaledad na wala ka.”
Kaya lang, kamakailan ko lang nadiskubreng asawa pala ni Davila si DJ Sta. Ana, ang news operations head ng TV5 [LinkedIn]. Ang TV5 ay isang Salim-MVP company [BM].
![]() |
From DJ Sta Ana's LinkedIn Account [LinkedIn] |
Baka ayaw niyang magalit si Mister?
Sa puntong ito, hindi na mahalaga. Ang mas mahalagang tanong ay kung ano ang ginawa ng ibang mga mamamahayag tungkol sa del Rosario conflict of interest issue. Para malaman iyan, nag-google si ThinkingPinoy gamit ang term na ito:
site: conflict of interest del rosarioPinupuwersa ng “site:” ang Google na magbigay ng mga results na mula sa isang specific na website. Halimbawa, ang “site:news.abs-cbn.com” ay magli-limit ng results sa mga ABS-CBN articles lamang. Ginamit ko nag "search operator" na ito para malaman ko kung naglabas na ba ng relevant na article ukol sa Del Rosario conflicts of interest ang bawat news outlet .
Narito ang mga nakuha kong resulta as of 11:27 PM Manila, 30 Hulyo 2016.
A: Ang Big Four ng TV
- ABS-CBN: Isang beses na siya ring basurang interview ni Karen Davila kay del Rosario na nabanggit ko sa itaas [Google].
- GMA Network: Wala [Google].
- CNN Philippines: Wala [Google]
- News5: Wala [Google]
- Interaksyon: Wala [Google]
![]() |
Of the four TV networks, only ABS-CBN tackled the issue, and it tackled it terribly. |
B: Newspapers
C: Others
- Rappler: Wala [Google]
Bakit walang nagco-cover ng issue?
Hindi man lang sumagi sa kahit aling major news outlet ang posibilidad na na ating sariling Foreign Secretary Albert del Rosario ay nagkaroon ng mga conflicts of interest na sagabal sa interes ng taumbayan?Isang opisyal na lumabag sa batas para sa kanyang pansiriling kapakanan at sa ikapapanganib ng milyon-milyong inosentent Pilipino?
Aba, isang matinding scoop yan para sa kahit sinong disenteng mamamahayag!Nakapagsulat na ako tungkol sa conflict of interest ni del Rosario sa “The South China Sea Decision and Perfecto Yasay's Face” noong 14 Hulyo 2016 . Mula noon, nakapaglathala na rin ang ng pitong karagdagang article tungkol sa issue na ito:
- #CHexit FAQ: Mga Katanungan tungkol sa Philippines vs China Arbitration
- Dreaming of forming a military alliance against China? Learn from SEATO's experience
- South China Sea #CHexit decision explained in simple Taglish
- PH-China on West Philippine Sea: The issue of trust, or the lack of it
- South China Sea 101: How Trillanes, DFA, MVP destroyed PH-CN ties
- Dear Karen “Higher Intelligent (sic)” Davila
- South China Sea, Philex and the Roman Catholic Church
Syempre, may isang epal na magsasabing, “Huwag kang feelingera, baka puro tanga lang kasi nagbabasa ng website mo,” pero hindi e.
Bakit? Dahil ang isang simplenggoogle search para sa July 2016 articles [as of 30 July 2016, 11:56 PM Manila] gamit ang …
… keyword na “UNCLOS Albert del Rosario” ay nagbibigay ng ThinkingPinoy article sa Top 8 ng search results page 1 [Google].Marami pang ibang keyword na nangunguna ang ThinkingPinoy articles, pero sa palagay ko'y naipaliwanag ko na ang punto ko.
… keyword na “Karen Davila” ay nagbibigay ng ThinkingPinoy article sa Top 2 ng search results page 1 [Google].
… keyword na “south china sea albert del rosario” ay nagbibigay ng ThinkingPinoy article sa Top 2 ng search results page 2 [Google].
Higit ,000,000 hits, higit 100,000 shares, at magandang Google ranking, pero hindi pa rin ito nababalitaan ng Big Media?
Patay-malisya lang?
Tatlo ang naiisip kong dahilan sa likod ng news blackout na ito:
- Incompetence o Katangahan
- Conflicts of Interest
- Bias
Ngayon, hayaan na lang natin na ang taumbayan ang magpasya kung papayag pa silang patuloy na gaguhin ng Big Media..
Nagtataka pa kayo kung bakit sumisikat si Mocha Uson at ang mga fake news sites, samantalang nuknukan naman kayo ng tanga, o nuknukan kayo ng hipokrito. Ang yayabang nga mga ungas nga ‘to e mga walang kwenta naman. Dahil sa kagaguhan ni del Rosario, puwedeng mamatay ang mga kababayan ko, mga putang ina nyo!
Kinukundena ko ang pagpatay sa mga mamamahayag, pero sa mga pinaggagagawa ninyo, paano ni maaasahang makikisimpatya sa inyo ang taumbayan?
Tara't itanong natin ang huling katanungan:
Sa Issue ni Albert del Rosario, may mas malala pa ba kay Karen Davila?Ang sagot?
Lahat ng iba.(ThinkingPinoy)
DONT FORGET TO SHARE!
RELATED POSTS: